4 Senyales na Kailangan nang Purgahin ang Alagang Baboy | UNAHCO

4 Senyales na Kailangan nang Purgahin ang Alagang Baboy

News & Events

4 Senyales na Kailangan nang Purgahin ang Alagang Baboy

News & Events

4 Senyales na Kailangan nang Purgahin ang Alagang Baboy

SHARE THIS

Ang parasites tulad ng bulate ay malaking problema para sa mga baboy at sa mga nag-aalaga sa kanila. Ang mga bulate ay nakaka-apekto ng husto sa kalusugan ng mga baboy dahil inaatake nila ang internal organs (tiyan, atay, kidney, baga) o dugo at nagdudulot ng mga maraming sakit. 

Bilang isang responsableng tagapangalaga at negosyante, importante na magkaroon ka ng mga alituntunin upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng bulate. May kasabihan na “prevention is better than cure,” at ang deworming o pagpurga ay isang tried-and-tested na preventive measure kontra sa bulate. Siguraduhing ligtas sa mga sakit ang iyong mga alagang baboy. Alamin kung paano. 

Alamin Kung Kailan Dapat Simulan o Gawin ang Pagpurga

Ang deworming o pagpurga ay ang pagtanggal ng anumang uri ng parasite o bulate mula sa tiyan, atay, o bituka ng iyong mga alagang baboy. Pero ang tanong: kailan nga ba dapat simulan ang pagpurga? Kung first time mong gawin ito, abangan ang mga senyales na ito:

  1. Kapag nasa tamang na edad na ang mga baboy:

    Pwedeng i-schedule ang pagpurga depende sa edad ng mga baboy. Inirerekomenda na ang mga adult na baboy (12 months pataas) ay sumailalim sa pagpupurga dalawang beses sa isang taon, kada anim na buwan.

    Kapag for breeding ang mga baboy (buntis na gild at sow), dapat gawin ang pagpupurga kada dalawa o tatlong linggo bago ang farrowing para maiwasan ang infection sa bagong silang na biik. Para sa mga pinakabatang baboy, gawin ang pagpupurga kapag sila’y walong linggo pa lamang. Ituloy ito kada dalawang buwan.
  2. Kapag naka-schedule na ang deworming:

    Recommended rin na dapat consistent ang pagbibigay ng gamot o solusyon para sa pagpupurga. Kung mayroon kang oras o budget, pwede mong bigyan ang mga lumalaking baboy ng gamot kontra sa bulate isang beses kada 30 na araw.
  3. Kapag lampas na ng withdrawal period:

    Ito’y higit na mahalaga kung nagpapalaki ka ng mga baboy na ibebenta sa merkado. Ang withdrawal period ay ang tagal ng panahon bago mailabas ng katawan ng mga baboy ang gamot, pati na rin mga bulate o parasite.

    Ang mga deworming solution ay may iba’t-ibang withdrawal period, kaya’t tingnan mabuti ang mga ito bago gamitin. Kapag tapos na ang period na ito, ibig sabihin wala nang gamot sa katawan ng mga baboy. Pwede mo na silang bigyan ng isa pang round ng gamot, o ibenta na sa merkado.
  4. Kapag nagpakita sila ng sintomas ng mga sakit na dulot ng bulate:

    Dahil ang mga bulate ay umaatake sa loob ng katawan ng mga baboy, posibleng hindi mo agad malalaman na apektado na sila, hanggang sa magpakita na sila ng sintomas. Maghanda agad ng gamot kontra sa mga bulate kapag napansin ang mga sintomas tulad ng:
    • Mabagal na weight gain
    • Poor feed conversion
    • Diarrhea o scours
    • Anemia (maputlang balat)
    • Pag-ubo kahit walang lagnat (senyales ng respiratory infection)
    • Bulate sa kanilang dumi
    • Matamlay na katawan

Bakit Importante ang Pagpurga Para sa Mga Baboy?

Bukod sa pagpapatibay ng kalusugan ng mga baboy, ang pagpupurga ay pwedeng magbigay ng iba pang benepisyo tulad ng:

  • Pagpapababa ng risk sa sakit na nakakaapekto sa baga, tulad ng pneumonia
  • Pagbabawas sa dami ng sakit na nakakaapekto sa atay 
  • Pagpapabuti ng average daily weight gain
  • Pagsasaayos ng food conversion ratio
  • Pagpigil sa pagkontamina ng itlog ng bulate sa kapaligiran ng mga baboy

Ang Mabisang Solusyon Para sa Matagumpay na Pagpurga?

Kung naghahanap ka ng epektibong solusyon para sa pagpupurga ng iyong mga alagang baboy, gamitin na ang Latigo! Ito’y available bilang tablet o solution na tinutunaw sa tubig para mainom. Ang Latigo ay mayroong Levamisole, isang active ingredient na tutulong sa pagtutunaw at pagpupuksa ng mga bulate. 

Ang Latigo ay isang “broad-spectrum anthelmintic.” Ibig sabihin, epektibo ito laban sa pitong klase ng bulate na nakakaapekto sa kalusugan ng mga baboy. At, magagamit rin ito bilang isang “immunostimulant” na makakatulong sa cell rebuilding at pagpapalakas ng resistensya. Tingnan mabuti kung gaano kadami ang dapat ibigay sa iba’t-ibang klase ng mga baboy:

  • Para sa weanlings (for 10 heads):

    Ihalo ang isang sachet (10g) ng Latigo 1000 sa isang gallon ng tubig pang-inom o sa feed ration isang linggo pagkatapos ng weaning.
  • Para sa growers (for 3 heads):

    Ihalo ang isang sachet (10g) ng Latigo 1000 sa isang gallon ng tubig pang-inom o sa feed ration kapag ang mga baboy ay umabot na ng 3 buwang gulang.
  • Para sa sows and boars (for 1 head):

    Ihalo ang isang sachet (10g) ng Latigo 1000 sa isang gallon ng tubig pang-inom o sa feed ration dalawang linggo bago ang breeding at farrowing.

Isa pang paraan para mapigilan ang mga bulate ay ang paglilinis sa kapaligiran ng mga baboy. Siguraduhing madalas ang paglinis at pag-decontaminate ng mga lugar na pinupuntahan ng iyong mga alagang baboy. Matutulungan mo silang ayusin ang kalidad ng kanilang buhay at iwasan ang sakit.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa importansya at tamang paraan ng pagpupurga, pumunta lamang sa UNAHCO website. Maaari ka ring kumunsulta sa isang beterinaryo para mabigyan ka ng tulong tungkol sa best practices para sa deworming at pagpapabuti ng kalusugan ng iyong mga baboy.

References:

https://unahco.com/brands/univet/swinevet/latigo/ 

https://unahco.com/news-events/the-importance-of-regular-swine-deworming/ 

https://www.canr.msu.edu/news/are-all-swine-deworming-products-made-equal https://www.thepigsite.com/articles/importance-of-regular-worming-in-pigs 

https://www.aasv.org/shap/issues/v17n6/v17n6p330.htm 

https://www.pigadvocates.com/vaccinationsparasite-control.html 

Be a UNAHCO Partner