Itik-Pinas Pamparami Program: Alamin ang Basics at Benefits | UNAHCO

Itik-Pinas Pamparami Program

News & Events

Itik Pinas Farm Parami Program: Alamin ang Basics at Benefits

News & Events

Itik Pinas Farm Parami Program: Alamin ang Basics at Benefits

SHARE THIS

Sa larangan ng pagnenegosyo na tungkol sa hayop ang usapan, ang mga karaniwang pinagpipilian ay manok, baboy, baka, o kaya naman ay kambing. 

Pero napag-isipan mo na bang magpalaki ng mga itik? Ang mga ibon na ito ay kadalasang pinapalaki at binebenta para sa kanilang mga itlog at karne. Ang pag-aalaga ng itik o duck farming ay kinokonsidera ding isang key component sa paglago ng agrikultura sa ating bansa. 

Ang papalaki ng itik ay hindi karaniwang choice para sa isang negosyo, lalo na sa mga baguhan. Pero alam niyo ba na malaki ang potential nito kung ito ay gagawing negosyo? Lalo na sa panahon ngayon, nagkaroon na ng improved breed ang karaniwang native na itik sa pamamagitan ng pag-breed ng lahing “Itik Pinas.”

Anong Kaibahan ng Itik Pinas?

Kumpara sa ibang mga itik, ang Itik Pinas ay may bigat na 1 hanggang 1.3 kilogram. Maaaring maging itim, khaki, o kayumanggi ang kulay ng mga ito. Ang Itik Pinas ay may mga magandang katangian tulad ng mataas na produksyon ng itlog, tamang sukat ng mga ito, na siyang nagbibigay ng mas magandang kitaan sa negosyo.

Itim, khaki, o kayumangging sisiw man ang iyong piliin, ang Itik Pinas ay isang espesyal na breed na maaaring magpalago sa iyong negosyo.

Itim, khaki, o kayumangging sisiw man ang iyong piliin, ang Itik Pinas ay isang espesyal na breed na maaaring magpalago sa iyong negosyo.

Kung tamang pagpapalaki at higit na mas maraming produksyon ng itik ang pag-uusapan, ang Itik Pinas Farm Parami Program ay maaari makatulong sa naghahanap ng alternative na negosyo. Alamin ang mga pangunahing layunin at objective tungkol sa programang ito, at paano ito makakatulong sa nag-aalaga ng itik sa buong bansa.

Ang mga itlog ng itik ay maaaring maging isang pangunahing source of income kapag alam mo kung paano sila palakihin ng maayos.

Ang mga itlog ng itik ay maaaring maging isang pangunahing source of income kapag alam mo kung paano sila palakihin ng maayos.

Ano ang Itik Pinas Farm Parami Program?

Ang Itik Pinas Farm Parami Program ay naging posible dahil sa partnership sa pamamagitan ng Sarimanok at UNAHCO Inc., Bureau of Animal Industry (BAI), National Swine and Poultry Research Development Center (NSPRDC), at Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD).

Ayon kay Dr. Rene Santiago, ang Assistant Director for Production and Research ng BAI, ang pangunahing layunin ng Itik Pinas Farm Parami Program ay “to improve or upgrade the breeds of duck farmers via the [Itik Pinas] breed through a systematic approach on management and feeding to be able to have uniform body weight and growth that will eventually produce improved size and quantity of eggs.”

Alamin kung paano makakatulong ang Itik Pinas Farm Parami Program sa pagpapalago ng industriya ng pagiitikan.

Ang Itik Pinas Farmparami Program ay may layuning isulong ang pagpapalaki ng Itik Pinas na tatak Pilipino.

Ang Itik Pinas Farm Parami Program ay nabuo para maparami ang mas dekalidad na lahi ng Itik Pinas breed na siyang ibabahagi sa mga certified duck multiplier farms, at kalaunan naman din sa mga backyard farms sa Pilipinas. Sa programang ito, binibigyang pansin ang mas sistematikong pagpapalaki at pag-aalaga ng Itik Pinas mula sa multiplier farms patungo sa backyard raisers.

Para magkaroon ng mabisa at matagumpay na resulta ang programang ito, ang Sarimanok Poultry Feeds ay nakipagtulungan sa iba’t ibang industry partners gaya ng BAI, NSPRDC at DOST-PCAARRD. Ang mga ahensyang ito ang sama-samang bumuo ng mga mahuhusay na sistema upang makita ang tunay na potensyal ng Itik Pinas.

Ang kauna-unahang recipient ng Itik Pinas Farm Parami Program: ang Bahaya Duck Multiplier Farm, kasama ang mga representatives ng Sarimanok Poultry Feeds-Unahco.

Ang kauna-unahang  recipient ng Itik Pinas Farm Parami Program: ang Bahaya Duck Multiplier Farm, kasama ang mga representatives ng Sarimanok Poultry Feeds-Unahco.

Ang Sarimanok Poultry Feeds naman ay nagbibigay rin ng mga payo ukol sa tamang paraan sa pagpapakain ng mga itik at iba’t ibang mga alituntunin sa kanilang kalusugan. 

Sa programang ito ay tiyak na ang breed na aalagaan, at maging tulong teknikal ay sigurado ding makakamtan.

Ang Bahaya Duck Multiplier Farm sa Davao City na unang recipient ng hatching eggs ng Itik Pinas

Ang Bahaya Duck Multiplier Farm sa Davao City na unang recipient ng hatching eggs ng Itik Pinas

Paano Nabuo ang Itik Pinas Farm Parami Program?

Ang Itik Pinas Farm Parami Program ay nagsimula lamang ngayong taon na ito, at tatakbo naman hanggang Disyembre. Naganap ang hiwalay na signing ng Memorandum of Understanding noong Mayo 2021 sa mga opisina ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Univet Nutrition and Animal Healthcare Company-Sarimanok (UNAHCO-Sarimanok), upang siguraduhin ang kaligtasan ng lahat laban sa pandemya.

Ang mga dumalo sa MOU signing na ito ay sina BAI OIC Director Dr. Reildrin Morales, Assistant Director Dr. Rene Santiago at ang UNAHCO President and COO Mr. Ricardo Alba, maging ang buong UNAHCO ManCom at Sarimanok Brand Department sa magkahiwalay na pirmahan.

MOU signing sa Bureau of Animal Industry kasama si BAI OIC Director, Dr. Reildrin Morales

MOU signing sa Bureau of Animal Industry kasama si BAI OIC Director, Dr. Reildrin Morales
MOU Signing sa UNAHCO Head Office kasama ang ManCom na pinangungunahan ni President and COO Ricardo Alba

MOU Signing sa UNAHCO Head Office kasama ang ManCom na pinangungunahan ni President and COO Ricardo Alba

Ang kauna-unahang recipient ng Itik Pinas Farm Parami Program ay isang duck farm sa Mindanao. Pagkatapos nito ay kasunod na din ang pagpapalaganap ng programa sa Luzon at Visayas bilang pagpapatuloy sa programa.

Ang Mga Naganap sa Unang Yugto ng Farm Parami Program

Naipadala na ang unang batch ng mga hatching eggs mula sa NSPRDC papunta sa Davao City, patungo sa unang destinasyon ng Itik Pinas Farm Parami Program – ang Bahaya Duck Multiplier Farm. Sa farm na ito papalakihin ang mga na Itik Pinas itim at khaki upang mag-produce ng Itik Pinas kayumanggi.

Ang unang shipment ng mga hatching eggs para sa Itik PInas Farm Parami Program ay naipadala mula NSPRDC patungong Davao City at papunta sa Bahaya Duck Multiplier Farm

Ang unang shipment ng mga hatching eggs para sa Itik PInas Farm Parami Program ay naipadala mula NSPRDC patungong Davao City at papunta sa Bahaya Duck Multiplier Farm

Kapag lumaki na ang unang batch ng mga commercial stocks na ito mula sa Bahaya Duck Multiplier Farm, ibabahagi naman siya sa mas nakakarami pang backyard farms. Magpapatuloy ang programa hangga’t maipapamahagi ito sa iba’t ibang region upang lahat ng nagbabalak na mag-alaga ng itik ay magkaroon ng madaling access sa mas pinahusay na breed – ang Itik Pinas.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Itik Pinas Farm Parami Program, at pati na rin sa ibang katanungan ukol sa tamang pagpapalaki ng mga itik, maging tungkol na din sa iba pang poultry species, bumisita lamang sa website na ito.

Kung naghahahanap naman ng dekalidad na pagkain, para sa anumang poultry species gaya ng broiler, layer, free-range, quail (pugo), at duck (itik), ang Sarimanok Poultry Feeds ay inyong maaasahan na ginawa para sa kanila na magbibigay ng ideal na performance at siguradong kita!

References:
https://pab-is.pcaarrd.dost.gov.ph/nativepoultry/

Be a UNAHCO Partner