Paano Siguraduhin ang Panalo With Bexan XP | UNAHCO

Paano Siguraduhin ang Panalo With Bexan XP

News & Events

Paano Siguraduhin ang Panalo With Bexan XP

News & Events

Paano Siguraduhin ang Panalo With Bexan XP

SHARE THIS

Paano mo nga ba masisiguro ang sunod-sunod na panalo ng iyong mga alagang gamefowl? Maraming paraan para makatulong para sa pagka-panalo ng alagang gamefowl, pero isa sa mga aspetong kailangan mong suriin ay ang kalusugan at lakas ng kanilang mga katawan.

Kapag malulusog ang iyong mga gamefowl, tumitibay ang kanilang resistensya laban sa sakit at lumalakas ang kanilang katawan. Higit sa lahat, mas nagiging handa ang kanilang katawan para sa laban na sasalihan nila.  

Paano magiging malusog at handa sa laban ang iyong mga gamefowls? Tingnan maigi ang kanilang mga kinakain at iniinom na gamot at supplements. Kapag consistent ang pagbibigay mo sa kanila ng nararapat na vitamins at minerals, patuloy na lalakas ang kanilang katawan at mas lalaki ang tsansa na sila ay mananalo.

Malinaw na malinaw na ang mga vitamins, minerals, at iba pang nutrients na kailangan ng iyong mga gamefowl ay maaari nilang makuha sa kanilang mga pagkain at mga gamot. Dito makakatulong ang Bexan XP. Alamin kung ano ito at paano mo magagamit ang supplement na ito para sa iyong mga gamefowl.

Ano ang Bexan XP?

Ang Bexan XP ay isang injectable supplement na may vitamin B complex, fortified with folic acid and liver extract. Ang kombinasyon na ito ay tumutulong sa pagpapabuti ng blood circulation ng iyong mga gamefowl at pagpapalakas ng kanilang katawan. Narito ang dalawang key nutrients na nasa Bexan XP:

  • Vitamin B complex: Ang iba’t ibang B vitamins ay nagbibigay lakas sa katawan ng iyong mga gamefowl. Isang bitamina na maaaring makatulong sa kanila ay ang vitamin B12.

    Ito’y nakakapagbawas ng lebel ng stress sa kanilang katawan, kino-convert ang mga carbohydrates na kanilang nakukuha sa glucose, nagpapataas sa kanilang energy levels, at binabawasan ang nararamdaman nilang fatigue o pagod pagkatapos ng laban.
  • Folic acid: Ito’y nakakatulong sa pagpapabuti ng fertility ng mga babaeng gamefowl at sinisguradong mabubuhay ang embryo na nasa itlog. Sa kalaunan mas magiging matibay ang kalusugan at resistensya ng iyong mga gamefowl.

Kapag tuloy-tuloy na ibinibigay ang Bexan XP, mas magkakaroon ng gana ang iyong mga gamefowl at mas bibilis ang paglaki ng kanilang mga body tissues. Ang resulta? Gamefowls na malakas ang katawan, matibay ang resistensya, at handang-handa para manalo sa kahit anong laban na kanilang sasalihan.

Bexan XP Injectable: Paano gamitin?

Kung interesado kang gamitin ang Bexan XP para sa iyong mga gamefowl, sundin lamang ang mga sumusunod na guidelines:

  • Para sa pre-conditioning: Bigyan ang mga gamefowl ng 0.5ml ng supplement na ito every 15 days.
  • Para sa conditioning: Bigyan ang mga gamefowl ng 0.5ml ng supplement na ito once a week (isang beses kada linggo).

Bago i-administer ang Bexan XP injectable sa iyong mga gamefowl, basahin ng maigi ang direksyon tungkol sa produkto na ito para malaman kung paano at saan dapat iturok ang supplement. Huwag mo rin kalimutan na sundin ang mga iba pang tips para sa preconditioning at maintenance ng mga gamefowl.

Ang pagka-panalo ng iyong mga alaga ay maaari nang makuha sa tulong ng Bexan XP! Para sa iba pang impormasyon tungkol dito at ang halaga ng iba’t ibang supplements para sa iyong gamefowl, bumisita lamang sa website ng UNAHCO.

Pwede mo ring kausapin ang kahit sinong beterinaryo para malaman ang iba pang mga paraang tutulong sa pagpapa-lakas ang iyong mga alagang gamefowl.

References:

https://unahco.com/brands/univet/powervet/bexan-xp/
https://petloversvitamins.com/2016/05/benefits-of-vitamin-b12-to-fighting-cocks/

Be a UNAHCO Partner