Para sa mga gamefowl, importante na laging matibay ang kanilang resistensya. Ang malakas na immune system ay hindi lang tumutulong sa mga gamefowl na maging handa hindi lang para sa laban, kundi sa paglaban rin sa mga sakit tulad ng chronic respiratory disease (CRD).
As its name implies, ang CRD ay nakakaapekto ng husto sa baga ng mga panabong na manok. Kapag humina o tinamaan ng husto ang baga nila, pwede itong magdulot ng negatibong epekto na nakakaapekto sa performance at kalusugan ng alaga.
Bago pa man maapektuhan ng CRD ang iyong mga gamefowl, tingnan nang mabuti kung paano nila nakukuha ang sakit na ito. Higit sa lahat, alamin ang potensyal na solusyon na tutulong sa iyo sa paglaban rito.
Ano ang Chronic Respiratory Disease (CRD)?
Ang Chronic Respiratory Disease ay dulot ng Mycoplasma gallisepticum, isang bacteria na pumapasok sa katawan ng gameowl at umaatake sa kanilang respiratory system. Kumakalat ang bacteria nito sa pamamagitan ng itlog, hangin (airborne transmission), o kapag isinama ang mga infected na ibon sa mga malulusog na hayop.
Kailangang bantayan ng mabuti ang bacteria na ito dahil hindi ito madaling makita. Kapag hindi natutukan ang bacteria na ito, malalaman na lang ang epekto nito kapag ang mga hayop ay nagpapakita na ng malubhang sintomas.
Ang respiratory distress o kahirapan sa paghinga ay isa sa mga pangunahing senyales ng CRD, bukod sa pagbahing (sneezing), pag-ubo (coughing), at pagsinghot (sniffling). Kapag kumalat ang bacteria na ito sa iyong mga hayop, magdudulot rin ito ng malubhang produksyon, naantalang paglaki (retarded growth), at basang ilong.
Kailangang obserbahang mabuti ang mga gamefowl dahil hindi agad nakikita ang mga sintomas na ito kapag tinamaan ng bacteria. Bagamat konti lang ang kaso ng pagkamatay na naitatala dahil sa CRD, kapag hindi napigilan ang mga stressors, maaari pa ring lumala ang kondisyon ng mga panabong na manok.
Paano Gamitin ang Vetracin Gold Laban sa CRD?
Bago maapektuhan ang mga gamefowl ng mikrobyong nagdudulot ng CRD, siguraduhing malinis ang kanilang kapaligiran. Bukod dito, sikaping mabakunahan ang lahat ng mga alaga laban sa mikrobyo lalo na kung pagsasamahin mo ang iba’t ibang pangkat ng mga gamefowl. Ang pagbabakuna ay maaaring tumulong sa pagsugpo ng bacteria na sanhi ng CRD.
Magtanong rin sa mga trusted na beterinaryo tungkol sa mga gamot na tumutulong laban sa CRD. Mas mainam na handa ka sa anumang sitwasyon. Kaya para tulungang ma-solusyonan ang mga sakit tulad ng CRD, trust Vetracin Gold Capsule!
Ano nga ba ang Vetracin Gold Capsule? Matagal na itong inirerekomenda para sa mga hayop dahil ito’y isang oral antibiotic na may Doxycycline at Tiamulin. Ang synergistic antibiotics na ito ay isang mabisang kombinasyon na tumutulong sa paglaban sa CRD at iba pang infections na dulot ng Mycoplasma 24 oras after maibigay sa iyong mga alaga.
Kung gagamitin ang Vetracin Gold Capsule, magbigay ng isang (1) capsule dalawang beses sa isang araw sa loob ng tatlo (3) hanggang limang (5) araw.
Para sa dagdag na tips at tulong kung paano susugpuin ang CRD, magtanong lang rin sa iyong beterinaryo o gamefowl health expert. I-click at puntahan din ang website ng UNAHCO para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Vetracin Gold.
References: