Bakit Mahalaga ang Vitamin B Complex sa Tag-Ulan? | UNAHCO

Bakit Mahalaga ang Vitamin B Complex sa Tag-Ulan?

News & Events

Bakit Mahalaga ang Vitamin B Complex sa Tag-Ulan?

News & Events

Bakit Mahalaga ang Vitamin B Complex sa Tag-Ulan?

SHARE THIS

Ang mga gamefowl ay kilala sa kanilang kakayahang lakas at resistensya. Gayunpaman, sa panahon ng tag-ulan, ang mga gamefowl ay maaaring manghina at kapitan ng ilang mga sakit at impeksyon. 

Una, ang kanilang mga balahibo ay maaaring mabasa at bumigat na pwedeng magpahirap sa kanila na manatiling tuyo at malayo sa sakit. Ito rin ay maaaring maglagay sa kanila sa panganib dulot ng problema sa paghinga tulad ng pulmonya. Pangalawa, ang mga mamasa-masang kondisyon ay pwedeng magbigay ng pagkakataon para sa mga bakterya at iba pang mga pathogens (mga microorganisms na nagdudulot ng sakit) na dumami.

Maging handa sa pabago-bagong panahon! Tuwing tag-ulan, ang mga game fowls ay nangangailangan ng dagdag na pangangalaga at atensyon upang matiyak na sila ay mananatiling malusog at malakas. Isa sa mga mahahalagang paraan upang gawin ito ay ang pagbibigay sa kanila ng isang healthy diet na binubuo ng mga tamang vitamins at minerals. Kabilang sa mahahalagang nutrients na ito ay ang B Vitamins na may iba’t ibang benepisyo para sa kalusugan ng gamefowl. 

Kilalang-kilala ang B Vitamins sa pagtulong sa nerve health, pero hindi ito lang ang benepisyong makukuha dito. Narito ang ilan sa mga paraan kung paano nakakatulong ang Vitamin B para protektahan ang ating mga alagang gamefowl. Panatilihing matikas, malakas at maliksi ang inyong mga alaga sa lahat ng panahon. Basahin ang sumusunod.

Magandang Nerve Health

Gaya nga ng naunang nabanggit, ang B Vitamins ay mahalaga para sa normal na paggana ng nervous system ng mga alagang manok. Mabisa ito sa pagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo at mas maayos na body coordination ng mga alagang gamefowl. Tumutulong din ang Vitamin B6 para hindi magkaroon ng sakit sa nervous system ang mga alaga. Ilan sa mga sakit na pwedeng maiwasan ay ang perosis, botulism at fowl cholera. 

Ang perosis ay isang kondisyon kung saan ang isang binti ay karaniwang baldado at ang isa o parehong gitnang daliri ay pilay.  Ang botulism naman ay ang kawalan ng kakayahan ng mga gamefowl na kontrolin ang kanilang ulo. Ang huling nabanggit naman na sakit, ang fowl cholera, ay nakapagdudulot ng pangingitim ng ulo at paralysis.

Mas Malusog na Red Blood Cells

Laganap ang pagkalat ng mga insekto tulad ng lamok at mites tuwing tag-ulan. Bukod sa kati ng katawan at pagiging di komportable ng mga alagang gamefowl, maari din silang magkaroon ng anemia kapag sobrang dami na ng kanilang kagat. Tandaan na ang mga manok na may anemia ay walang kakayanang palitan ang mga patay na red blood cells nila.

Mas magandang maiwasan ng mga alaga ang anemia kaysa gamutin sila mula dito. Nakakatulong ang B Vitamins upang maging mas malusog ang kanilang red blood cells at mas gumanda ang sirkulasyon ng dugo ng mga alagang manok. Ang red blood cells ay mahalaga sa sirkulasyon ng oxygen sa lahat ng parte ng kanilang katawan.

Panlaban Sa Sakit!

Kapag may matinding pagbabago ng temperatura, ang mga gamefowls ay nakakaramdam ng matinding stress at ang kanilang kakayanang makalaban sa mga sakit o immune system ay apektado rin. Dahil sa stress na dala ng tag-ulan, mas madalas magdikit-dikit ang mga game fowls. Ginagawa nila ito sa kagustuhan nilang uminit ang kanilang pakiramdam. Kasunod nito, mas nagiging prone sila sa pagkakaroon ng sakit at paghahawaan. 

Bukod sa pagpapanatiling malinis ng bukid, lalo na sa panahon ng tag-ulan, kailangan din ang proteksyon din sa loob ng kanilang katawan laban sa mga pathogens (mga organismo na nakakadulot ng sakit at impeksyon). Bigyan sila ng B Vitamins. Para sa mga sisiw at mga matatandang gamefowls, ang B vitamins ay nakakatulong sa pagpapalakas ng immune system, pati na rin ang pagtaas ng mga antas ng enerhiya at gana pagkatapos ng panahon ng stress.

Tamang Timbang at Temperatura ng Katawan

Ang Thiamine na isa sa mga B Vitamins ay nakakatulong mapanatili ang malusog na timbang at gana sa pagkain ng mga alagang gamefowl. Ang mga manok na kumakain ng thiamine-enriched diet ay nagkakaroon ng proteksyon sa anorexia o pagkawala ng  interes sa pagkain. Mahalaga ang pagkain ng sapat ng mga alaga tuwing tag-ulan dahil kapag sila ay di kumain ng tama, maaari silang tuluyang ginawin at mamatay. 

Bukod sa ginaw sanhi ng panahon, mas madaling kapitan ng flu at iba pang respiratory diseases ang mga alagang gamefowl tuwing tag-ulan. Malaking tulong ang B Vitamins para dito, lalo sa sa kalusugan ng baga ng mga alagang manok. Tumutulong ito upang mas lumakas ang respiratory system ng mga alaga. Dahil sa B Vitamins, maiiwasan ang biglaang pagbaba ng temperatura ng katawan at bilis ng paghinga. Sa B Vitamins, mas lumalakas din ang puso ng mga gamefowl.

Mas Malusog na Mga Itlog

Kuma-kaunti ang itlog ng mga gamefowls tuwing tag-ulan dahil masyadong nagiging stressed ang mga ibon. Bukod sa nababawasan ang dami ng itlog, lumiliit din ang mga ito. Sa panahong malamig, nagiging balisa ang mga sisiw. May posibilidad na tumakbo sila papunta kung saan-saan, para magpainit at  mapunta sa iba’t ibang lugar.

Mas kumakalma ang mga alaga kapag sapat ang B Vitamins sa katawan. Ang B Vitamins ay tumutulong upang ibalik ang appetite ng mga gamefowls na tumutulong sa pagtaas ng bilang ng mga itlog. Ito rin ay sumusuporta sa healthy na pagkapisa ng mga itlog.

Mas Magandang Balahibo

Ang feathers o balahibo ang unang depensa ng mga gamefowls laban sa basang kapaligiran at malamig na panahon. Tuwing tag-ulan, karamihan sa mga matatandang gamefowl ay nagsisimula ng mag-lagas. Sa panahong ito, mas madali silang mabasa at ginawin. Sa mga pagkakataong nakakalbo ang gamefowls, mas madali silang ginawin at kapitan ng sakit.

Ang B Vitamins ay may sangkap na nakakatulong mapanatiling malusog at makapal ang mga balahibo ng mga alagang gamefowl. Ito ay mayroong biotin. Ang biotin ay isang bitamina na madaling malusaw sa tubig at tumutulong sa pagsuporta sa mga balahibo ng ibon kasama ang kanilang balat, tuka, at mga kuko sa pamamagitan ng pagtulong sa katawan na ma-breakdown ang mga taba at carbohydrates. Ilan sa mga pagkaing mayaman sa B Vitamins na pwedeng ipakain sa mga alagang gamefowl ay saging, kamote, sunflower seeds, at broccoli.

Mas Maganda Ang Sigurado.

Makakatulong ang regular na pag consume ng B Vitamins ng iyong mga alagang manok para sa normal na nerve function at added immunity sa tag-ulan. Walang kakayanan ang ating mga alaga na mag-imbak sa katawan ng B Vitamins. Dahil dito, mas maganda kung bibigyan sila ng dagdag na supplement bukod sa pagkain.

Kung B Vitamins ang inyong hanap, piliin ang Bexan XP. Ang Bexan XP ay ang unang injectable B-Complex Vitamins na mas pinalakas ng Liver Extract at Folic Acid. Tumutulong ito sa sirkulasyon ng dugo na nag-reresulta sa mas pinahusay na gana sa pagkain at mabilis na paglaki ng mga tisyu ng katawan. 

Ang B-Complex Vitamins ng Bexan XP ay tumutulong sa muscle development at dagdag endurance para sa pinakamainam na lakas at tibay – fighting form na gumagawa ng isang kampeon na breeder. 

Kung may tanong tungkol sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga gamefowl, Bexan XP dosage at paghahanda para sa tag-ulan, kumunsulta sa isang mapagkakatiwalaang beterinaryo. Pwedeng-pwede ka ring pumunta sa UNAHCO website para madagdagan pa iyong kaalaman tungkol sa pag-aalaga ng mga game fowls.

References:

https://www.totalgamefowl.com/gamefowls-on-rainy-season/

https://unahco.com/news-events/key-tips-for-gamefowl-care-during-the-rainy-season/

https://thepoultrypunch.com/2020/07/common-poultry-diseases-during-the-rainy-season-signs-prevention-and-treatment/

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0032579119514006

http://www.poultrydvm.com/condition/anemia https://poultry.extension.org/articles/poultry-health/poultry-diseases-affecting-the-nervous-system/

Be a UNAHCO Partner