5 Paraan Kontra Swine Pneumonia | UNAHCO

5 Paraan Kontra Swine Pneumonia

News & Events

5 Paraan Kontra Swine Pneumonia

News & Events

5 Paraan Kontra Swine Pneumonia

SHARE THIS

Importante ang tama at wastong pag-aalaga sa mga alagang baboy hindi lang para lumaki sila ng malakas at matatag, pero para protektado rin sila sa sakit. Ang mga baboy, lalo na kung hindi naalagaan ng mabuti, ay maaaring tamaan ng sakit na mycoplasmal pnemonia o enzootic pneumonia.

Kagaya ng sakit na pneumonia na nararanasan ng mga tao, ang pneumonia ng mga baboy ay pwede ring magresulta sa iba’t ibang komplikasyon at magdulot ng pinsala sa negosyo. 

Basahing mabuti ang gabay na ito para malaman ang pinagmumulan ng sakit na ito at ang mga tips on how to prevent pneumonia in pigs.

What Causes Pneumonia in Pigs?

Ang mycoplasmal pneumonia ay isang nakakahawang sakit na makakapekto ng husto sa mga biik at lumalaking baboy na hanggang 6 months old. Ang sanhi nito ay ang Mycoplasma hyopneumoniae bacteria na nakakaapekto lamang sa baboy at hindi sa tao. 

Ang bacteria na nagdudulot ng swine pneumonia ay may incubation period na tumaatagal ng dalawa (2) hanggang walong (8) linggo. Ayon sa mga eksperto, bagamat mataas ang risk ng pagkakasakit o morbidity ng mga baboy, mababa naman ang risk ng kanilang pagkamatay o mortality.

Pero paano nga ba nakukuha ng mga baboy ang sakit na ito? Ayon sa pananaliksik, pwedeng magkahawahan sa mga grupo ng baboy, lalo na sa mga lactating sows at piglets, kapag na-expose sila sa bacteria na nagdudulot ng sakit. 

Bukod dito, maaari ring magkahawahan sa pamamagitan ng “windborne aerosol transmission” kung saan ang bacteria ay nasa hangin at pwedeng makapasok sa katawan ng mga baboy. Pwede ring magkaroon ng mycoplasmal pneumonia ang mga baboy dahil sa mga risk factors tulad ng:

  • Pagsisiksikan ng mga baboy sa isang lugar o overcrowding
  • Hindi akmang air flow at insulation sa kapaligiran ng mga baboy
  • Mataas na antas ng carbon dioxide at ammonia sa kapaligiran ng mga baboy
  • Temperatura at panahon
  • Malubhang nutrisyon 
  • Iba-ibang sakit na maaaring nararanasan na rin ng mga baboy
  • Pagbabago sa mga diet 
  • Pagdaranas ng stress ang mga baboy

Pneumonia in Pigs — Symptoms na Dapat Suriin

Ang pangunahing sintomas ng pneumonia sa mga baboy ay ubo na talamak o chronic, tuloy-tuloy, at walang plema. Maaaring mapansin ang ubo dalawa (2) hanggang tatlong (3) linggo pagkatapos ma-expose ang mga baboy sa bacteria. Pwedeng tumagal ang ubo na ito nang ilang linggo o buwan. Kapag lumala ang sakit, mapapansin rin ang mga sintomas tulad ng: 

  • Kahirapan sa paghinga o dyspnea
  • Mabagal na paglaki o retarded growth
  • Pagkawala ng gana kumain 
  • Lagnat o fever
  • Pagtaas ng mortality rate o pagkamatay

Kagaya ng nabanggit sa unang bahagi, ang mga biik ay maaari ring magkaroon ng pneumonia. Pero bago mangyari ito, ang mga sows ay nagpapasa muna ng mga antibody sa mga biik. Nagdudulot ito ng passive immunity na siyang pumoprotekta sa mga biik laban sa sakit sa loob ng pito (7) hanggang labindalawang (12) linggo. Pero pagkatapos ng panahon na ito, ang mga biik ay posibleng dumanas ng mga sintomas tulad ng:

  • Matagalang ubo na walang plema
  • Kahirapan sa paghinga (heavy breathing)
  • Mabagal na paglaki
  • Paglitaw ng lung lesions (30% to 70% ng mga baboy ay mayroon nito kapag kakatayin na sila)

Paano Isasagawa ang Treatment of Pneumonia in Pigs?

Kapag kumpirmado nang may kaso ng swine pneumonia sa iyong mga alagang baboy, huwag mag-alinlangan at bigyan ng nararapat na lunas. Tandaang mabuti ang mga tips na ito para maagapan at maiwasan ang swine pneumonia:

  1. Bigyan ng antibiotics ang mga may sakit na baboy: Kumunsulta sa isang beterinaryo tungkol sa antibiotics tulad ng Sustalin LA. Ang injectible antibiotic na ito ay tumutulong sa paggamot ng severe mycoplasmal pneumonia sa mga baboy. Ang Sustalin LA ay may broad-spectrum at long-acting formula na may active ingredient na Oxytetracycline.

    Kapag gagamitin ang Sustalin LA, magturok ng 1 mL nito kada 10 kg ng body weight sa leeg ng baboy. Tandaan rin na may withdrawal period na 14 days ang Sustalin LA para sa mga baboy.
  2. Bakunahan ang mga baboy laban sa mycoplasmal pneumonia: Bago pa man magkaroon ng bacteria sa iyong bakuran, ihanda na ang resistensya ng mga baboy. Ang pagbabakuna ay isa sa mga karaniwan at epektibong paraan na maaaring pumigil sa hawahan at paglubha o severity ng sakit. Inirerekomenda na isagawa ang pagbabakuna laban sa mycoplasmal pneumonia habang biik pa lang ang iyong mga alaga, sa tulong ng isang beterinaryo.
  3. Ugaliing linisin ang lugar ng mga baboy: Posibleng mamugad sa maduming lugar ang bacteria na nagdudulot ng swine pneumonia. Kapag nilinis ng husto ang lugar ng mga baboy, bababa ang risk ng pagkakasakit. 
  4. Ilayo ang mga apektadong baboy para iwas hawahan: Isagawa ito lalo na kapag may kumpirmadong kaso ng MSP. Kasabay nito, gamutin na ang mga apektadong baboy.
  5. Huwag ipagsiksikan ang mga baboy sa iisang lugar at siguraduhing may sapat na ventilation: Makakatulong ito sa pagbaba ng risk para sa sakit at sa pagpapabuti ng kalidad ng kanilang buhay. Kung maari, paghiwalayin rin ang mga baboy base sa kanilang edad. Ang hindi paghihiwalay sa mga baboy ay pwede maging sanhi ng paulit-ulit na kaso ng mga sakit.

Huwag hayaan na magkasakit ang mga baboy bago maging huli ang lahat. Bigyan sila ng sapat na proteksyon habang maaga. Para sa iba pang mga tips kung paano maiiwasan ang sakit tulad ng MSP, kumunsulta sa pinagkakatiwalaang beterinaryo o bumisita sa UNAHCO website.

References:

https://vetmed.iastate.edu/vdpam/FSVD/swine/index-diseases/mycoplasmal-pneumonia

https://www.dpi.nsw.gov.au/__data/assets/pdf_file/0005/462056/Mycoplasmal-pneumonia-in-pigs.pdf

https://www.nadis.org.uk/disease-a-z/pigs/enzootic-pneumonia/

https://open.lib.umn.edu/swinedisease/chapter/enzootic-pneumonia/

https://www.farmhealthonline.com/US/disease-management/pig-diseases/pneumonia-in-pigs/

https://www.thepigsite.com/disease-guide/pneumonia

https://porkgateway.org/resource/mycoplasmal-pneumonia-of-swine/

Be a UNAHCO Partner