Kapag baguhan ka palang sa pagpapalaki ng baboy, maraming aspeto ng negosyo ang kailangan tutukan para siguradong matagumpay ito at magiging malusog ang iyong mga alaga. Isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ang wastong pag-aalaga ng mga inahing baboy.
Kailangan ng mga inahing baboy ng sari-saring vitamins, minerals, at nutrients na magpapalakas sa kanila at kanyang mga biik. Kapag kulang ang nutrisyon na ibinibigay sa mga inahing baboy, hindi lang sila ang magkakasakit. May posibilidad rin na maapektuhan ang paglaki ng mga biik.
Kaya habang buntis pa lamang ang mga inahing baboy, siguraduhing may sapat silang nutrisyon araw-araw. Tandaang mabuti ang mga angkop na nutrients at vitamins para sa mga inahin na baboy. Alamin din kung paanong masisiguro ang ligtas na delivery ng mga biik.
Ano ang mga Ideal Nutrients Para sa Inahing Baboy?
Ayon sa isang pag-aaral, ang pagbibigay ng mga vitamins ay magdudulot ng positibong epekto sa mga biik. Ito’y dahil ang mga supplements ay may malaking naitutulong sa pagpapabuti ng kanilang performance.
Importanteng bigyan ang mga inahing baboy ng mga sumusunod na nutrients na ito habang sila’y buntis:
- Vitamin D: Ito ay kailangan para ma-absorb ang calcium at phosphorus na tutulong sa paggawa ng matibay na buto. Kapag kulang sa vitamin D ang mga inahing baboy, malaki ang posibilidad na sila ay magkaroon ng osteoporosis. Ang sakit na ito ay pwedeng magdulot ng pagkapilay at bali sa katawan.
- Vitamin E: Tumutulong ito sa pagpapabuti ng immune system at reproductive health ng mga baboy, pati na rin sa pagpapalakas ng kanilang mga muscles. May magandang epekto rin ang vitamin E sa birthing time o oras ng panganganak ng mga baboy, at sa pagpapababa ng kaso ng stillbirth.
- Folic acid: Kailangan ito ng mga inahing baboy para makabuo ng cells at siguraduhin na gumagana ito. Ang folic acid ay may malaking tungkulin rin sa pagpapalakas ng katawan ng mga biik at pagpapalaki ng litter size.
- Pyridoxine: Ang nutrient na ito ay kailangan ng enzymes sa katawan ng mga baboy para maisagawa nila ang amino acid metabolism. Ang pagdagdag ng pyridoxine sa diet ng mga inahing baboy ay pwedeng tumulong sa pagpaparami ng biik at sa wean-to-estrus interval.
- Choline: Mahalaga ang choline para sa iba’t ibang metabolic functions. May papel ang nutrient na ito pagdating sa pagsasaayos ng cell structure, at pagpapabuti ng nerve function at amino acid metabolism.
Ayon sa mga eksperto, ang pagdagdag ng choline sa diet ng mga inahing baboy ay pwedeng tumulong sa pagpapabuti ng conception at farrowing rate, at sa pagpaparami at pagpapalakas sa mga biik. - Biotin: Isa pang nutrient na importante para sa mga enzymes sa katawan ng mga baboy ay biotin. Tumutulong ito sa metabolism ng protein, carbohydrates, at fat. Ang biotin ay pwedeng ring tumulong sa pagpaparami ng mga biik at pagpapabuti ng kanilang kalusugan.
Bukod sa mga vitamins na ito, importante rin na ang mga gilts (mga babaeng baboy na hindi pa nabubuntis) ay may proteksyon laban sa sakit. Para mapanatili ang kanilang lakas, sundin ang timeline na ito sa pagbibigay ng mga bakuna at gamot:
- 6 months: magturok ng 5 ml ng Bexan XP
- 6 months, 2 weeks: magturok ng Parvo-Lepto vaccine
- 7 months: magturok ng 2 ml ng Coglapest vaccine para maiwasan ang hog cholera
- 7 months, 2 weeks: magturok ng Parvo-Lepto vaccine
- 7 months, 3 weeks: magbigay ng deworming solution tulad ng Latigo 1000 o Genvet Ivermec
Pwede rin kumunsulta sa isang beterinaryo tungkol sa iba pang gamot o supplement na nararapat sa mga gilts.
Ano ang Dapat Gawin Para sa Matagumpay na Farrowing?
Bago dumating ang araw ng farrowing o panganganak, hinihiwalay ang mga inahing baboy mula sa iba nilang kasama. Nililipat sila sa isang farrowing pen o crate para ligtas silang manganak at hindi sila gaano ma-stress. Habang papalapit ang araw ng panganganak ng inahing baboy, siguraduhing malinis na ang kanilang kapaligiran.
Para mabawasan ang risk para sa bacterial infection, magtalaga ng epektibong cleaning at disinfection protocol. Isang linggo bago ang farrowing date, linising mabuti ang farrowing pens gamit ang:
- Major D: Haluin ang 20 ml ng Major D sa 1 gallon ng tubig.
- Microban GT: Para sa routine disinfection, haluin ang 10 ml ng Microban GT sa 1 gallon ng tubig. Para sa terminal disinfection, haluin ang 20 ml ng cleaner na ito sa 1 gallon ng tubig.
Pagkatapos ng Farrowing, Palakasin ang Kanilang Resistensya
Pagkatapos manganak ng baboy, palakasin muli ang kanilang resistensya para makaiwas sila sa sakit tulad ng mastitis, metritis, at agalactia o MMA. Ito ay isang bacterial infection na pwedeng makaapekto sa mga inahing baboy at least 12 hours to three days pagkatapos nilang manganak. Kapag hindi naagapan kaagad ang MMA, pwede itong magdulot ng kamatayan sa mga baboy.
Dahil dito, importanteng bigyan ng antibiotics ang mga inahing baboy pagkatapos nilang manganak. Ang mga gamot na ito ay lalaban sa mga bacteria na maaaring magdulot ng sakit. Kumunsulta sa beterinaryo tungkol sa tamang paraan ng pamimigay ng mga antibiotics tulad ng Sustalin LA. Bigyan ang mga inahing baboy ng 1 ml kada 10 kg body weight pagkatapos ng farrowing.
Kung may tanong ka pa tungkol sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga inahing baboy at paghahanda para sa kanilang panganganak, kausapin ang isang trusted na beterinaryo. Pwedeng-pwede ka ring pumunta sa UNAHCO website para madagdagan pa iyong kaalaman tungkol sa kalusugan ng mga baboy, lalo na ng mga inahing baboy.
References:
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S1751731119001927
https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/0301622690900274
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/27834154/
https://www.nationalhogfarmer.com/animal-health/fat-soluble-vitamins-important-sows-newborn-pigs
https://www.thepigsite.com/articles/preparing-the-farrowing-crate
https://porkgateway.org/resource/trace-minerals-and-vitamins-for-swine-diets/
https://porkgateway.org/resource/pulling-pigs-farrowing-assistance/
https://extension.psu.edu/raising-pigs-1-farrowing
https://ahdb.org.uk/knowledge-library/mastitis-metritis-and-agalactia-mma-in-sows