Ang mga mikrobyo tulad ng virus, bacteria, uod, at mga parasite ay patuloy na nagbabanta sa kalusugan ng ating mga alagang hayop, at pati na rin sa negosyo. Mahirap man tanggapin, ito ay isang realidad na dapat pagtuunan ng pansin at paghandaan ng mabuti para sa ikaliligtas na mga alagang hayop at sa ikatatagumpay ng negosyo.
Para hindi dapuan ng bacteria at sakit ang iyong mga hayop, kailangan mong palakasin ang kanilang resistensya. Paano ito gagawin? Simulan sa pagbibigay ng pagkain at supplements at pagpapanatili ng malinis na kapaligiran para sa kanila.
Isang pang epektibong paraan para hindi dapuan ng sakit ang mga hayop ay ang bacterial flushing. Ito ay isang paraan para maalis o ma-”flush out” ang mga bacteria, lisa, uod, at ibang parasite na maaaring nasa katawan na ng iyong mga alagang hayop.
Bukod sa “paglilinis” ng katawan ng mga hayop, ang layunin ng bacterial flushing ay palakasin ang resistensya at patibayin ang katawan ng iyong mga gamefowl at iba pang uri ng mga manok.
Suriing mabuti kung paano tutulong ang bacterial flushing sa iyong mga alaga at negosyo, at alamin ang mga gamot na pwedeng gamitin para dito.
Ang Halaga ng Bacterial Flushing Para sa Iyong Negosyo
Para maisagawa ang bacterial flushing, kailangan mo ng malinis na tubig at mabisang antibiotic. Ang mixture na ito ang siyang iinumin ng mga hayop para simulan ang bacterial flushing.
Kadalasan, ang bacterial flushing ay ginagawa sa mga unang araw ng conditioning ng mga hayop. Pero pwede mo naman itong gawin kada buwan, o depende sa pangangailangan ng mga hayop. May tatlong tulong na maaaring ibigay sa iyo ang regular na bacterial flushing:
- Pagkontra sa sakit na dulot ng mga mikrobyo: Ang mga gamot para sa bacterial flushing ay tumutulong lumaban sa mikrobyo na maaaring magdulot ng sakit sa mga alagang hayop. Kasabay nito, pinapalakas rin ng bacterial flushing ang resistensya nila para hindi sila madaling kapitan ng sakit.
Kapag matatag at matibay ang mga alagang hayop, mas marami silang makukuhang sustansya. Bukod dito, gaganda rin ang kanilang performance na maaaring makatulong sa negosyo. - Pagbaba ng risk o peligro kontra outbreak: Ang mabilisang pagkalat ng mga mikrobyo ay pwedeng magdulot ng malawakang outbreak, pati na rin ang pagkamatay ng mga hayop na maaaring maka apekto sa negosyo. Sa pamamagitan ng bacterial flushing, naiiwasan ang mga sakit na maaaring makapinsala sa kanilang kalusugan.
- Pagpapabuti ng kapaligiran o environment: Malaking tulong ang regular na paglilinis at pag-disinfect ng farm. Bilang isang tropical country, ang klima sa Pilipinas ay pwedeng maging dahilan sa mabilis na pagkalat ng mga mikrobyo at sakit.
Ang mga sakit na dulot ng bacteria at virus ay pwedeng makahawa ng mabilis sa mga hayop, lalo na kung marami sila at may “regular exposure” sila sa isa’t isa.
Kapag ang iyong mga hayop ay dumaan sa bacterial flushing, sigurado kang mas malusog silang lahat at hindi agad-agad tatablan ng sakit. Ang bacterial flushing ay mahusay na paraan para makapagbigay ng proteksyon sa mga alagang hayop.
Ano ang Gamot na Pwedeng Gamitin Para sa Bacterial Flushing?
Kumbinsido ka na sa bacterial flushing? Kung handa ka nang isagawa ito para sa iyong mga alaga, idagdag sa kanilang pang-araw-araw na routine ang oral antibiotic na Vetracin Gold Capsule.
Mayroon itong Doxycycline at Tiamulin, dalawang uri ng synergistic antibiotic na makakatulong sa pagsugpo ng impeksyon na dulot ng chronic respiratory disease (CRD) at Mycoplasma. Bigyan ang iyong mga alaga ng isang (1) capsule dalawang beses sa isang araw for three to five days. Para sa Vetracin Gold powder, ihalo ito sa malinis na tubig, ilagay sa malinis na container, at ipainom sa mga alagang hayop.
Bukod sa Vetracin Gold Capsule, pwede mo ring isama o gamitin ang mga gamot na ito para sa bacterial flushing:
- Baxidil Classic: Ito’y kadalasang ginagamit para sa mga batang gamefowl para malabanan ng kanilang katawan ang common bacteria tulad ng E.coli. Sa paggamit ng Baxidil Classic, ihalo ang isang kutsarita (6g) ng Baxidil Classic sa isang gallon ng tubig.
Ibigay ang solution na ito dalawang beses sa isang araw for three to five days. Siguraduhin lamang na HINDI ito ibibigay sa mga sisiw na wala pang 15 days old. - Baxidil Tablet: Ang gamot na ito ay may Cotrimazine na pwedeng labanan ang mga bacterial infection sa mga stag, pullet, hen, at brood cocks. Para sa mga alagang hayop, magbigay ng isang tablet ng Baxidil kada 2 kilo ng kanilang body weight once a day for three to five days.
Kung kailangan mo pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa halaga ng bacterial flushing, check this website for more. At para siguradong matagumpay ang bacterial flushing na isasagawa, kumunsulta sa beterinaryo na makakapagbigay sa iyo ng payo tungkol sa iba pang dapat gawin.
Higit sa lahat, kapag may napansin kang anumang sintomas ng sakit sa iyong mga hayop, tumawag agad sa beterinaryo para maagapan ito at mapanatiling malusog ang iyong mga alaga.
References:
https://unahco.com/news-events/bacterial-flushing-101-the-basics-for-sabong/
https://unahco.com/news-events/mga-dapat-at-di-dapat-gawin-sa-bacterial-flushing-ng-mga-gamefowls/
https://unahco.com/brands/univet/powervet/baxidil-classic/
https://www.quora.com/What-are-the-basics-of-bacterial-flushing-in-gamefowls
https://thepoultryfeed.com/how-to-make-a-rooster-fight-better/
https://www.facebook.com/unahco.ph/photos/pcb.552058368549243/552058241882589/?type=3&theater