Bakit Mahalaga ang Probiotics Para sa Mga Baboy? | UNAHCO

Bakit Mahalaga ang Probiotics Para sa Mga Baboy?

News & Events

Bakit Mahalaga ang Probiotics Para sa Mga Baboy?

News & Events

Bakit Mahalaga ang Probiotics Para sa Mga Baboy?

SHARE THIS

Pamilyar ka na siguro sa halaga ng probiotics para sa digestive at immune system ng mga tao. Pero, alam mo ba na ang probiotics ay pwedeng ring makatulong sa pagpapalaki ng katawan at pagpapabuti ng kalusugan ng  mga alagang baboy?

May mga probiotics o good bacteria na kadalasang ginagamit sa pagpapalaki ng mga baboy bilang isang ingredient sa mga pagkain o supplement. Ang Bacillus Lactobacillus, Bifidobacterium, Enterococcus, at yeast ay mga karaniwang probiotics na idinadagdag sa mga produktong pangkalusugan. Alinman ang piliin sa kanila, ang mga good bacteria na ito ay makakatulong sa pagpapabuti ng kalusugan at resistensya ng iyong mga baboy.

At dahil diyan, maaaring ngayon na ang tamang pagkakataon para simulan ang probiotics para sa mga baboy. Basahin para malaman kung ano ang mga benepisyo ng probiotics sa iyong mga alagang baboy.

Paano Ba Gumagana ang Probiotics sa Iyong Mga Baboy?

Pamilyar na siguro sa karamihan ang konsepto ng bad bacteria at good bacteria, at dito pumapasok ang probiotics. Kung ang bad bacteria ay pwedeng magdulot ng mga sakit at infection, ang epekto naman ng good bacteria ay ang kabaliktaran. 

Ang probiotics ay naging paksa ng maraming pananaliksik dahil sa ambag nito sa kalusugan ng mga tao at mga hayop. Ang probiotics ay tinaguriang “good bacteria” dahil nagbibigay ito ng maraming benefits katulad ng:

  • Pagpapadali sa pag-absorb ng nutrients sa katawan: Ayon sa isang pag-aaral, ang probiotics ay tumutulong sa pag-convert ng mga protina at simple sugar. Nagiging mas maliit na molecules ang mga ito, at dahil diyan mas madali silang ma-absorb ng katawan ng mga baboy.

    Ang resulta: Mas maayos nilang magagamit ang mga bitamina at sustansya na kanilang natatanggap. Lumalaki din silang mas malusog at matatag. Bukod pa dito, ang probiotics ay tumutulong sa pagpapalago ng feed efficiency by up to 6%, kaya sigurado kang laging may gana ang iyong mga alaga at tuloy-tuloy ang kanilang paglaki at paglakas.
  • Pagtulong laban sa mga sakit: Tumutulong rin ang probiotics sa pagpigil ng mga sakit na nakakaapekto sa tiyan at digestive system ng mga baboy, katulad ng diarrhea.

    Pinipigilan ng probiotics ang pagdikit ng mga masamang mikrobyo sa ibabaw ng epithelial lining ng bituka. Dahil dito, nababawasan ang bilang ng mga bad bacteria na nasa katawan ng mga baboy at unti-unti silang lumalakas at nakakaiwas sa sakit.
  • Pagpapalakas ng resistensya: Kagaya sa katawan ng mga tao, ang mga tiyan o gut ng mga baboy ay gumagana bilang depensa laban sa sakit.

    Kapag nakakakuha ng sapat na probiotics ang mga baboy mula sa kanilang pagkain, lumalakas ang kanilang tiyan o gut, at nagiging mas matibay ang resistensya ng mga ito laban sa sakit. 
  • Pagpapabuti sa paglaki ng mga baboy: Ayon sa isa pang pag-aaral, ang pagdagdag ng probiotics na may Bacillus na strain sa feed ng mga baboy ay nagresulta sa mas malusog na biik sa weaning stage. Ito ay pruweba na makakatulong talaga ang probiotics, anuman ang edad ng iyong mga alaga.

Anong Probiotic ang Pwedeng Ibigay sa Iyong Mga Alagang Baboy?

Kapag kumbinsido ka nang bigyan ng probiotics ang iyong mga baboy, pwede mong gamitin ang Digestiaide 4X. Ito ay ang first and only all-natural supplement na may tibay factors – sakto para sa mga baboy simula pagkasilang hanggang sila’y lumaki.

Ang Digestiaide 4X ay makakatulong sa improved digestion at mas epektibong absorption ng mga sustansya para sa mabilis nilang paglaki. Mayroon itong performance enhancers at extracts na makakatulong sa kalusugan ng kanilang bituka. Higit sa lahat, tulong din ito upang maagapan ang mga kondisyon tulad ng post-weaning scours o diarrhea at post-weaning lag and stress.

Para sa mga weanlings, ihalo ang isang (1) sachet (6g) ng Digestiaide 4X kada gallon ng tubig, at ipainom ito sa kanila sa sampung magkakasunod na araw (limang araw bago at pagkatapos ng weaning). Kung gagamitin ang Digestiaide 4X para sa pagpapagaling sa sakit, ihalo ang isang (1) sachet (6g) ng Digestiaide 4X kada gallon ng tubig at ipainom sa mga baboy sa limang magkakasunod na araw.

Paalala: huwag ipainom ang Digestiaide 4X kasabay ng anumang klase ng antibiotics. 

Kung sakaling hindi pa gumana ang probiotics sa mga baboy at nakakapansin ka pa rin sila ng sintomas ng sakit, kumonsulta agad sa experto. Kung interesado ka sa iba pang mga klase ng probiotics para sa ibang hayop at paano ito gagamitin ng wasto, punta lang sa website na ito!  

References:

https://unahco.com/brands/univet/swinevet/digestiaide/ 

https://www.pigprogress.net/health-nutrition/probiotics-in-creep-feed-for-piglets/ 

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5941265/ 

https://www.thepigsite.com/articles/prebiotics-and-probiotics-boost-pig-growth-and-health 

https://www.nationalhogfarmer.com/animal-health/swine-gut-health-refresher 

https://www.immunology.org/public-information/bitesized-immunology/receptors-and-molecules/immunoglobulin-iga 

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK499840/

Be a UNAHCO Partner