Ang pagbubuntis ng mga baboy ay isa sa mga kapanapanabik na kaganapan sa kanilang buhay. Pero ito ay challenging rin, dahil maraming buhay ang kailangan asikasuhin: ang inahing baboy at ang kanyang mga biik. Nagtatagal ng 115 na araw ang pagbubuntis ng isang inahing baboy.
Ideally, gusto nating iwasan ang abortion at premature farrowing. Importante na handa at malusog ang katawan ng mga inahing baboy habang sila ay buntis para ang mga isisilang nila na biik ay hindi sakitin at may matibay na resistensya.
Kaya kapag nalaman mong buntis ang mga inahing baboy, siguraduhin na bigyan sila ng nararapat na nutrisyon. Tandaang mabuti ang mga tips na ito na magsisilbing feeding guide for pregnant sows.
May Ideal Amount Ba Para sa Pregnant Sows?
Tulad sa tao, kailangan din ng mga pregnant sows ang dobleng enerhiya, extra lakas at, mas importante, ang tamang nutrisyon. Ito ay para sa sariling kalusugan at para din sa healthy development ng mga biik na nasa sinapupunan nila. .
Ayon sa mga eksperto, ang pinakamadaling paraan para pakainin ang buntis na baboy ay alamin ang “average” na pakain na gusto nila habang sila’y buntis. Siguraduhin rin na ibibigay ito sa kanila magmula mating hanggang farrowing.
Pero dahil hindi pare-pareho ang kapaligiran na maaaring lakihan ng iyong mga baboy, pwedeng-pwede kumunsulta sa isang beterinaryo o eksperto. Pwede ka nilang tulungan o abisuhan tungkol sa dami ng pakain na dapat ibigay sa mga baboy.
Huwag lang kalimutan na ang pinakamalaking nutrient demand para sa mga buntis ng baboy ay magsisimula sa day 75 ng kanilang pagbubuntis. During this time, mabilis lumaki ang mga baboy nasa kanilang sinapupunan.
Kung pwede, damihan ang kanilang pakain sa huling tatlo hanggang apat na linggo ng gestation. Susuportahan nito ang rapid growth ng mga biik.
Iba pang Tips Para sa Healthy at Safe Delivery
Bukod sa pagbibigay ng tamang pakain at nutrients sa mga sows, siguraduhin rin na ang kapaligiran nila ay tutulong sa kanilang pagbubuntis.
As much as possible, dapat dumadaan sa pamilyar na routine ang iyong sows at consistently bigyan sila ng normal na amount na pakain. Tutulong ito sa pagpapabawas ng stress sa kanilang katawan at sa pagpapataas ng “implant rate” ng kanilang mga fertile eggs.
Kapag nalaman mong buntis ang mga sows, huwag sila isama sa mga pen o lugar na may mga bagong baboy unless may “gentle introduction.” Pwede naman siyang manatili sa kanyang kasalukuyang lugar, pero pwede siyang pag-interesan ng mga ibang baboy at madamay ang bagong-silang na biik.
Bakunahan rin with boosters ang mga inahing baboy, dalawa hanggang apat na linggo bago ang farrowing. Ang mga booster na ito ay tutulong sa “paglipat” ng mga antibodies sa gatas ng inang baboy.
One to two weeks bago siya manganak, ihiwalay mo muna ang sow mula sa ibang kasama at bigyan siya ng sarili niyang “accomodation” na nalinis at na-disinfect na. During this time, siguraduhin na na-deworm rin ang inahing baboy laban sa parasites.
Tingnang Mabuti ang Pigrolac Feeding Guide for Sows na Ito
Kung kailangan mo ng tulong sa pagpapalakas ng resistensya at pagpapabuti ng kalusugan ng iyong sows, gamitin ang Pigrolac Mama Pro Feeds! May dalawang klase ng pakain na tutulong sa mga baboy mula sa kanilang pagbubuntis (Gestation) hanggang sa kanilang paggagatas (Lactation):
- Pigrolac Mama Pro Premium Developer: Ito ay inirerekomenda para sa mga buntis na baboy dahil may Bio-Fertility Enhancers ito na tutulong magpadami ng mga biik. Tandaan ang ideal amount na dapat ibigay kada araw:
- Flushing: 3 to 3.5 kg kada araw
- Day 1 to 7 ng pagbubuntis: 2 kg kada araw
- Day 8 to 90 ng pagbubuntis: 2 to 2.8 kg kada araw (feed to condition)
- Day 91 to 100 ng pagbubuntis: 3 kg kada araw
- Pigrolac Mama Pro Premium Milkmaker: Ito ay mabuti para sa mga inahing baboy. Ang pakain na ito ay may kombinasyon ng Milk Enhancers at high-nutrient density diet na tutulong sa pagpapalago ng produksyon ng gatas. Ibigay ang Pigrolac Mama Pro Premium Milkmaker kapag kabuwanan na ng mga baboy o kapag bagong panganak sila:
- Day 101 to 110 ng pagbubuntis: 3 kg kada araw
- 3 araw bago manganak: unti-unting bawasan ang feed hanggang maging 0 to 0.5 kg ito sa araw ng kapanganakan
- Day 1 to 3 ng pagpapasuso: simulan with 1 kg sa unang araw, at unti-unting itaas
- Day 4 hanggang sa pagwawalay: ad libitum
Kapag kailangan mo pa ng impormasyon tungkol sa tamang pag-aalaga sa mga pregnant sows, kumonsulta sa trusted na beterinaryo. Para sa latest updates tungkol sa iba pang feeds for lactating pigs sa Philippines, at sa pagpapabuti ng kalusugan ng iyong mga alaga, i-bookmark na ang website ng UNAHCO today!
References:
https://www.nationalhogfarmer.com/mag/farming_feeding_strategies_lactating
https://porkgateway.org/resource/gestating-swine-nutrient-recommendations-and-feeding-management/
https://www.thepigsite.com/articles/small-scale-pig-keeping-the-fundamentals-of-farrowing