Gamefowl Vaccination Program: Ano ang Tama at Ideal? | UNAHCO

Gamefowl Vaccination Program: Ano ang Tama at Ideal?

News & Events

Gamefowl Vaccination Program: Ano ang Tama at Ideal?

News & Events

Gamefowl Vaccination Program: Ano ang Tama at Ideal?

SHARE THIS

Para palagi silang malakas at handa para sa laban, importante na protektado ang mga gamefowl. Bukod sa pagbibigay ng mga nararapat na bitamina at nutrients at paglilinis sa kapaligiran ng mga gamefowl, mahalaga ring isaalang-alang ang gamefowl vaccination program.

Ang vaccination o bakuna ay lumalaban sa mga sakit sa pamamagitan ng paggawa ng mga antibodies sa loob ng katawan. Maraming klase ng bakuna ang nabuo para sa ikabubuti ng mga gamefowl, at bagamat makakatulong ang lahat ng mga ito para sa kalusugan, hindi ito dapat pagsabay-sabayin. May timing na dapat sundin ng mga tagapangalaga ng gamefowl.

Kung naghahanap ka ng epektibong gamefowl chicks at adults vaccination program na pwedeng ipatupad sa iyong negosyo, tingnang mabuti ang gamefowl vaccination guide na ito. Sinusunod ito ng mga endorsers at mga Thunderbird farms, kaya sigurado kang epektibo ito at makakatulong sa iyo:

Paano Isinasagawa ang Pagbabakuna?

May iba’t-ibang paraan para mabakunahan ang mga gamefowl. Depende ito sa uri ng gamefowl, edad, klase ng bakuna, at populasyon ng gamefowl na babakunahan.

  1. Oral: Ito’y binibigay direkta sa bibig ng gamefowl para sa mabilis na aksyon sa kanilang respiratory o digestive system. Para maibigay ang isang bakuna orally, hinahalo ang bakuna sa tubig na iniinom ng gamefowl. Makakatulong rin ang oral na administrasyon sa pag-iwas sa additional stress sa mga gamefowl.

    Bago bigyan ng oral na bakuna, kailangang limitahan ang mga aktibidad ng gamefowl. May posibilidad kasi na ma-overdose ang gamefowl ng mas maraming tubig (at bakuna) kaysa sa naireseta.

  2. Nasal: Dinadaan ang mga bakuna sa ilong o nostrils ng mga gamefowl. Ang mga bakuna ay maaaring powder o drops form. Kung pipiliin ang paraang ito, siguraduhin na tamang-tama lang ang pagkalibre ng applicator o dropper para maiwasan ang over- at under-dosing.

  3. Ocular o sa mata: Minsan, ang bakuna ay pwede ring ipatak sa mata ng mga gamefowl. Ang bakuna ay dadaan sa lacrimal duct para mapuntahan ang target nito – ang respiratory tract. Hinahawakan nang marahan ang ulo ng gamefowl, at pinapatak ang bakuna nang patagilid.

    Pagkatapos, dahan-dahang isasara ang mata ng gamefowl para maabsorb ng mata ang bakuna at maiwasan ang pagtulo ng gamot sa tabi ng mata.

    Kung pipiliin ang paraang ito, siguraduhin na tamang-tama lang ang pagkalibre ng applicator o dropper para maiwasan ang over- at under-dosing.

  4. Transfixation at scarification: Ginagamit ang dalawang tuberculin needles o karayom na may mababaw na applicator. Tinutusok ang mga karayom na ito sa wing web na matatagpuan malapit sa buto na nagkokonekta sa pakpak at katawan. Pwede ring itusok ang karayom sa parte ng balat ng paa at kuko ng gamefowl.

    Ang karayom ay dapat manatiling nakatusok sa balat at sa tamang bahagi ng katawan. Sa pagpili ng lugar sa katawan para mabakunahan ang gamefowl, siguraduhing hindi ito makakapinsala sa laman at buto ng hayop, at hindi magiging sagabal ang balahibo nito habang ibinibigay ang bakuna.

  5. Injections: Ito ay gumagamit ng karayom at bariles. Tinutusok ang karayom sa bahagi ng katawan ng gamefowl para magbigay ng bisa o paggamot base sa indikasyon. May dalawang paraan sa pag-administer ng injection:
    1. Intramuscular: Isinasagawa ito sa bahagi ng laman (muscle) ng gamefowl, karaniwan sa dibdib (breast muscle). Ang maingat na supervision ng beterinaryo ay kailangan kapag isinasagawa ito dahil may posibilidad na mapinsala ang mga vital organs ng gamefowl kapag may pagkakamali sa proseso.
    2. Subcutaneous: Ang bakuna ay itinuturok sa ilalim ng balat na kadalasan ay nasa likod ng leeg at hindi sa laman o muscle. Sa paraang ito, dapat hindi tumama ang karayom sa balahibo ng gamefowl. Dahil dito, inirerekomenda na hilahin ang balat bago turukan ang bakuna.

Ano ang Klase ng Mga Bakuna?

Importante ring alamin ang mga klase ng bakuna na ibibigay sa mga gamefowl. May tatlong klase ng bakuna o vaccine na maaaring iturok sa mga gamefowl:

  1. Live vaccine: Mayroon itong buhay o live na virus o disease-causing bacteria. Ibinibigay  ito sa tamang dose para palakasin ang resistensya ng gamefowl. Kapag nabigyan ng live vaccine ang mga gamefowl, nakakaramdam sila ng side effects o pananakit pagkatapos. Dahil dito, importante na panatilihing malusog ang iyong mga alaga bago bakunahan.

    Kapag tinatago o iniimbak ang mga live vaccine, siguraduhing nasa loob ito ng refrigerator o ice box. Maselan ang mga virus o bacteria na nasa loob ng bakuna sa temperatura. Maaaring maapektuhan o mamatay ang mga ito kapag na-expose ito sa matinding init.

    Siguraduhin ring iwasan ang contact sa pagitan ng mga live vaccines at mga disinfectant, chlorinated water, at kemikal na ginagamit sa paglilinis.

  2. Attenuated vaccine: Mayroon rin itong live bacteria, pero ang bakunang ito ay hindi kasing-lakas kumpara sa live vaccine. Hindi ganon kalakas ang reaksyon sa mga gamefowl at may mababang mortality rate.

    Kagaya ng live vaccine, dapat itago ang bakunang ito sa isang refrigerator o ice box, at ilayo sa disinfectants, chlorinated water, at kemikal na ginagamit sa paglinis.

  3. Killed vaccine: Ang bakunang ito ay naglalaman ng patay o killed bacteria. Dahil dito, hindi ito magiging sanhi ng sakit na galing sa kaparehong bacteria. Bagamat tumutulong rin ito sa pagpapalakas ng resistensya ng gamefowl, hindi gaanong mataas ang “level of immunity” na maibibigay nito kumpara sa live at attenuated na bakuna.

Mga Huling Paalala Bago Magsagawa ng Pa-Bakuna

Ngayon at alam mo na ang mga pangangailangan ng mga gamefowl pagdating sa bakuna, pwede mo nang simulan ang iyong vaccination program. Pero, huwag ring kalimutan ang mga mahalagang paalala na ito:

  1. Kumunsulta sa beterinaryo tungkol sa tamang klase ng bakuna na ibibigay sa gamefowl at gamot na ibibigay kapag nagkasakit ang mga alaga.
  2. Siguraduhin na beterinaryo ang magtuturok o magbibigay ng bakuna sa iyong mga gamefowl.
  3. Bumili lamang ng bakuna sa mga maaasahang sources. Sundin rin ang tamang paraan para sa pag-iimbak o pagtatago sa mga bakuna para hindi maapektuhan ang kalidad at epekto ng mga ito.
  4. Gawin ang pagbabakuna sa hapon o bago matulog ang mga sisiw para maiwasan ang stress.

Para sa iba pang mga tips o paalala pagdating sa pagpapalakas ng resistensya ng mga gamefowl, bumisita lamang sa UNAHCO website.

Be a UNAHCO Partner