Guide para sa Tamang Pakain with GMP Feeds | UNAHCO

Guide para sa Tamang Pakain with GMP Feeds

News & Events

Guide para sa Tamang Pakain with GMP Feeds

News & Events

Guide para sa Tamang Pakain with GMP Feeds

SHARE THIS

Para sa malulusog at malalakas na manok, kailangan nila ng tamang nutrisyon sa bawat yugto ng kanilang buhay. Maski breeder o inahin, sisiw, o tandang, makakatulong ang iba’t ibang mga bitamina at nutrients sa kanilang paglaki. 

Makukuha ng mga manok ang karamihan o lahat ng sustansya nila sa pagkain nila, kaya bilang responsableng tagapangalaga, dapat usisaing mabuti kung ano ang binibigay niyo sa inyong mga manok. Ito’y para maging kampante kayo na nakukuha nila ang kailangan nilang bitamina at hindi kayo malugi sa kalaunan. 

Dito pwedeng makatulong ang iba’t ibang GMP Feeds, dahil nilalayon ng mga ito na mabigyan ng nararapat na sustansya ang mga manok. Pero ano ang lamang ng GMP feeds na ito at paano nito matutulungan ang inyong mga manok? Alamin kung aling GMP feed ang nararapat para sa inyong mga alaga, at kung kailan dapat ito ibigay sa kanila.

Para Sa Mga Breeder

Siguraduhin na malalakas ang iyong mga breeder dahil sa kanila nagsisimula ang proseso. Kapag papakainin niyo sila, subukan ang GMP Breeder.

Ang GMP Breeder ay may Acti-Plus technology, kasama ang Organic Selenium. Ayon sa isang pag-aaral, tumutulong ang selenium para mas mapabuti pa ang breeding ability ng inyong mga inahin. Maaari itong ibigay sa mga inahing walong buwan pataas. Siguraduhin lamang na kada feeding ay mabibigyan sila ng 40 grams ng pagkain.

Para Sa Mga Sisiw

Ang pagpapalakas ng iyong mga manok ay dapat magtuloy-tuloy hanggang sa mga magiging sisiw nila. Para sa kanila, makakabuti ang GMP Chick Booster. Ito ay may Acti-Plus technology, at mga prebiotics at probiotics na magbibigay ng malaking tulong sa pagpapalakas ng gut ng inyong mga sisiw.

Inirerekomenda sa mga tao ang pagpapakain o pagpapainom ng mga inumin o supplement na may probiotics. Pero alam niyo ba na kapaki-pakinabang rin ang probiotics para sa mga manok at gamefowl?

Matapos ang pagsisiyasat sa iba’t ibang mga probiotic strain, napag-alaman na ang Lactobacillus, Streptococcus, Bacillus, Bifidobacterium, Enterococcus, Aspergillus, Candida, at Saccharomyces ay makakatulong para sa pagbuti ng kalusugan ng mga poultry animals, tulad ng manok. Ang mga probiotic strain na ito ay makakatulong para 

  • masiguro ang tamang paglaki ng mga manok 
  • mapasigla ang pagdami ng benepisyal na good bacteria sa intestinal microflora 
  • mapigilan ang growth ng masasamang mikrobyo 
  • mapalakas ng immune system
  • mapaganda ng kalidad ng karne ng mga manok.

Interesadong subukan ang GMP Chick Booster? Mas mainam na gamitin ito na ad libitum o kapag kinakailangan lang ng iyong mga sisiw.

Para Sa Pagpapalaki ng Manok

Para sa mga manok na nasa isa hanggang apat na buwan, kailangan nila ng mas marami pang sustansya para sa kanilang tuloy-tuloy na paglaki. Sa puntong ito, pwede niyo na sila bigyan ng GMP Stag Grower. Ang Acti-Plus technology sa GMP Stag Grower ay may antioxidants at organic chromium na tumutulong sa pagpapalaki ng iyong mga manok. 

Base sa isang pag-aaral, kapag nasa mainam na lebel ang antioxidants, carotenoid (isa pang uri ng antioxidants), vitamin E at selenium sa pagkain para sa manok, pwede itong magbigay ng proteksyon laban sa mga kondisyon na stressful, at siguraduhin na ang mga manok ay masagana at maaaring magpadami pa ng mga manok.

Bigyan lang ng GMP Stag Grower ng ad libitum o kapag kinakailangan ng mga manok na nasa isa hanggang apat na buwang gulang.

Para Sa Maintenance

Sa mga manok na apat na buwan at pataas, maaari nang mag-transition ng patuka sa GMP Maintenance. Mayroon itong Acti-Plus technology at Enzyme complex na tumutulong para sa improved at mabilis na absorption ng mga nutrients na nasa feed. Ang dagdag na enzymes sa feed na kagaya nito ay pwede tumulong sa:

  • Improved digestion ng protein para sa kalusugan ng gut, at performance ng mga manok
  • Pagpapahina ng epekto ng mga sanhi ng sakit o pagbaba ng nutrisyon ng hayop
  • Increased appetite o pagpapabuti ng ganang kumain
  • Pagdagdag ng bigat para sa tamang timbang ng mga manok

Makakatulong rin ang pagdagdag ng enzymes sa pagkain ng mga manok sa pagbawas ng polusyon dahil pwede nitong bawasan ang mga masasamang materyal na nasa pataba o manure ng hayop.

Kagaya sa mga inahin, kung layunin mo ay matulungan ang maintenance ng mga manok, bigyan sila ng 40 grams kada feeding.

Sa pamamagitan ng pagdagdag ng iyong kaalaman ukol sa GMP Feeds, pwede mong makita ang positibong epekto nito sa paglipas ng panahon. Pero tandaan na kailangan mong maging matiyaga dahil ang mga resultang nais mo ay hindi mangyayari sa isang iglap. Ang pagpapalaki ng mga kalidad na manok ay isang proseso na hindi namamadali.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpapakain ng GMP Feeds, ang mga pangangailangan para dito, o kaalaman ukol sa pagpapabuti ng nutrisyon ng iyong mga manok, bisitahin lamang ang UNAHCO website

Maaari ring kumonsulta sa isang beterinaryo na makakatulong sa iyo sa pag-alam ng mga nararapat na bitamina at nutrients para sa iyong mga manok. 

Sources:

https://unahco.com/brands/thunderbird/gmp-feeds/gmp-1-chick-booster/

https://unahco.com/brands/thunderbird/gmp-feeds/gmp-2-stag-grower/

https://unahco.com/brands/thunderbird/gmp-feeds/gmp-3-maintenance/

https://unahco.com/brands/thunderbird/gmp-feeds/gmp-4-breeder/

https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0377840114000856

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0032579119479364

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2812824/

https://www.thepoultrysite.com/news/2014/10/seven-benefits-of-protease-enzymes-to-poultry-producers

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6184034/

https://www.researchgate.net/publication/267838707_Enzymes_in_poultry_nutrition

Be a UNAHCO Partner