Sa larangan ng pagnenegosyo na tungkol sa hayop ang usapan, ang mga karaniwang pinagpipilian ay manok, baboy, baka, o kaya naman ay kambing.
Pero napag-isipan mo na bang magpalaki ng mga itik? Ang mga ibon na ito ay kadalasang pinapalaki at binebenta para sa kanilang mga itlog at karne. Ang pag-aalaga ng itik o duck farming ay kinokonsidera ding isang key component sa paglago ng agrikultura sa ating bansa.
Ang papalaki ng itik ay hindi karaniwang choice para sa isang negosyo, lalo na sa mga baguhan. Pero alam niyo ba na malaki ang potential nito kung ito ay gagawing negosyo? Lalo na sa panahon ngayon, nagkaroon na ng improved breed ang karaniwang native na itik sa pamamagitan ng pag-breed ng lahing “Itik Pinas.”
Anong Kaibahan ng Itik Pinas?
Kumpara sa ibang mga itik, ang Itik Pinas ay may bigat na 1 hanggang 1.3 kilogram. Maaaring maging itim, khaki, o kayumanggi ang kulay ng mga ito. Ang Itik Pinas ay may mga magandang katangian tulad ng mataas na produksyon ng itlog, tamang sukat ng mga ito, na siyang nagbibigay ng mas magandang kitaan sa negosyo.
Kung tamang pagpapalaki at higit na mas maraming produksyon ng itik ang pag-uusapan, ang Itik Pinas Farm Parami Program ay maaari makatulong sa naghahanap ng alternative na negosyo. Alamin ang mga pangunahing layunin at objective tungkol sa programang ito, at paano ito makakatulong sa nag-aalaga ng itik sa buong bansa.
Ano ang Itik Pinas Farm Parami Program?
Ang Itik Pinas Farm Parami Program ay naging posible dahil sa partnership sa pamamagitan ng Sarimanok at UNAHCO Inc., Bureau of Animal Industry (BAI), National Swine and Poultry Research Development Center (NSPRDC), at Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD).
Ayon kay Dr. Rene Santiago, ang Assistant Director for Production and Research ng BAI, ang pangunahing layunin ng Itik Pinas Farm Parami Program ay “to improve or upgrade the breeds of duck farmers via the [Itik Pinas] breed through a systematic approach on management and feeding to be able to have uniform body weight and growth that will eventually produce improved size and quantity of eggs.”
Ang Itik Pinas Farm Parami Program ay nabuo para maparami ang mas dekalidad na lahi ng Itik Pinas breed na siyang ibabahagi sa mga certified duck multiplier farms, at kalaunan naman din sa mga backyard farms sa Pilipinas. Sa programang ito, binibigyang pansin ang mas sistematikong pagpapalaki at pag-aalaga ng Itik Pinas mula sa multiplier farms patungo sa backyard raisers.
Para magkaroon ng mabisa at matagumpay na resulta ang programang ito, ang Sarimanok Poultry Feeds ay nakipagtulungan sa iba’t ibang industry partners gaya ng BAI, NSPRDC at DOST-PCAARRD. Ang mga ahensyang ito ang sama-samang bumuo ng mga mahuhusay na sistema upang makita ang tunay na potensyal ng Itik Pinas.
Ang Sarimanok Poultry Feeds naman ay nagbibigay rin ng mga payo ukol sa tamang paraan sa pagpapakain ng mga itik at iba’t ibang mga alituntunin sa kanilang kalusugan.
Sa programang ito ay tiyak na ang breed na aalagaan, at maging tulong teknikal ay sigurado ding makakamtan.
Paano Nabuo ang Itik Pinas Farm Parami Program?
Ang Itik Pinas Farm Parami Program ay nagsimula lamang ngayong taon na ito, at tatakbo naman hanggang Disyembre. Naganap ang hiwalay na signing ng Memorandum of Understanding noong Mayo 2021 sa mga opisina ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Univet Nutrition and Animal Healthcare Company-Sarimanok (UNAHCO-Sarimanok), upang siguraduhin ang kaligtasan ng lahat laban sa pandemya.
Ang mga dumalo sa MOU signing na ito ay sina BAI OIC Director Dr. Reildrin Morales, Assistant Director Dr. Rene Santiago at ang UNAHCO President and COO Mr. Ricardo Alba, maging ang buong UNAHCO ManCom at Sarimanok Brand Department sa magkahiwalay na pirmahan.
Ang kauna-unahang recipient ng Itik Pinas Farm Parami Program ay isang duck farm sa Mindanao. Pagkatapos nito ay kasunod na din ang pagpapalaganap ng programa sa Luzon at Visayas bilang pagpapatuloy sa programa.
Ang Mga Naganap sa Unang Yugto ng Farm Parami Program
Naipadala na ang unang batch ng mga hatching eggs mula sa NSPRDC papunta sa Davao City, patungo sa unang destinasyon ng Itik Pinas Farm Parami Program – ang Bahaya Duck Multiplier Farm. Sa farm na ito papalakihin ang mga na Itik Pinas itim at khaki upang mag-produce ng Itik Pinas kayumanggi.
Kapag lumaki na ang unang batch ng mga commercial stocks na ito mula sa Bahaya Duck Multiplier Farm, ibabahagi naman siya sa mas nakakarami pang backyard farms. Magpapatuloy ang programa hangga’t maipapamahagi ito sa iba’t ibang region upang lahat ng nagbabalak na mag-alaga ng itik ay magkaroon ng madaling access sa mas pinahusay na breed – ang Itik Pinas.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Itik Pinas Farm Parami Program, at pati na rin sa ibang katanungan ukol sa tamang pagpapalaki ng mga itik, maging tungkol na din sa iba pang poultry species, bumisita lamang sa website na ito.
Kung naghahahanap naman ng dekalidad na pagkain, para sa anumang poultry species gaya ng broiler, layer, free-range, quail (pugo), at duck (itik), ang Sarimanok Poultry Feeds ay inyong maaasahan na ginawa para sa kanila na magbibigay ng ideal na performance at siguradong kita!
References:
https://pab-is.pcaarrd.dost.gov.ph/nativepoultry/