Kailan at Saan Dapat Gamitin ang Vetracin Gold?

News & Events

Kailan at Saan Dapat Gamitin ang Vetracin Gold?

SHARE THIS

Napapansin mo na ba ang senyales ng sakit sa iyong mga alagang baboy? Aksyunan mo na ito kaagad. Ang mga viruses at bacteria na nagdudulot ng sakit ay pwedeng kumalat ng mabilis sa kapaligiran at makaapekto ng husto sa kalusugan ng iyong mga alaga, at sa iyong negosyo.

Kaya kapag nagkasakit ang iyong mga alagang baboy, bigyan sila agad ng isang mabisang at maaasahang gamot tulad ng Vetracin Gold — ang “gold standard” protection na tutulong sa iyo sa pagpapalakas ng kanilang katawan ng iyong mga alaga para labanan nila ang sakit.

Ang Vetracin Gold ay matagal nang pinipili ng mga hog raisers sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas dahil pwede itong ibigay sa mga alagang baboy, ano man ang edad. Kaya keep on reading para malaman kung paano tutulong ang gamot na ito sa iyong negosyo.

Saan Ginagamit ang Vetracin Gold?

Ang Vetracin Gold with Probiotics ay isang epektibo at mabilis na solusyon laban sa ubo, sipon, lagnat, o pneumonia ng mga baboy. Inirerekomenda rin ang Vetracin Gold bilang gamot laban sa: 

  • Neonatal at post-weaning scours (isang uri ng diarrhea na nakakaapekto sa mga biik) 
  • Piglet diarrhea na dulot ng mga bacteria tulad ng Clostridium perfringens
  • Swine dysentery na nagdudulot ng diarrhea at infection sa large intestine
  • Bacterial infection na hindi tatalab sa antibiotic tulad ng doxycycline at tiamulin

Bukod dito, ang Vetracin Gold ay makakatulong rin sa pagpapanatili ng weight gain at feed efficiency kahit may banta ng sakit sa kapaligiran ng mga alagang baboy.

Ang kombinasyon ng vitamins A at B12, nutrients, probiotics, at antibiotics sa Vetracin Gold Premium ay epektibong panlaban sa mga bacteria o mikrobyo na nagdudulot ng sakit. Makakatulong rin ang Vetracin Gold sa pagpapalakas muli ng resistensya ng mga baboy para mas maging malusog sila.

Paano Gamitin ang Vetracin Gold?

Haluin ang 2 kutsarita ng Vetracin Gold Powder sa feeds o 1 gallon ng tubig pang-inom. Ibigay ito sa may mga sakit na baboy sa loob ng lima (5) hanggang pitong (7) araw. 

Tandaan rin na ang withdrawal period para sa gamot na ito ay 10 days para sa mga baboy, kaya planuhin ng mabuti kung kinakailangan para hindi maantala ang timeline ng iyong negosyo.

Ang Vetracin Gold with Probiotics ay mabibili sa tindahan, available 24 grams na sachet, 150 grams na pouch, o 1 kilogram na plastic canister.

Para sa karagdagang tanong tungkol sa ibang mga benefits ng Vetracin Gold at iba pang mga gamot para sa mga baboy, maaaring kausapin ang iyong trusted veterinarians. Pwede ring bisitahin ang UNAHCO website para malaman ang latest updates tungkol sa tamang pag-aalaga ng mga baboy.

References:

https://vetmed.iastate.edu/vdpam/FSVD/swine/index-diseases/swine-dysentery

https://www.pigprogress.net/topic/diarrhoea-neonatal-scours/

Be a UNAHCO Partner