Mga Benefits ng Thunderbird Dextrose Para sa Gamefowls | UNAHCO

Mga Benefits ng Thunderbird Dextrose Para sa Gamefowls

News & Events

Mga Benefits ng Thunderbird Dextrose Para sa Gamefowls

News & Events

Mga Benefits ng Thunderbird Dextrose Para sa Gamefowls

SHARE THIS

Tapos na ba ang laban ng iyong mga gamefowl at nagpapahinga sila? O hindi pa sila handa kaya kino-kondisyon mo muna sila? Ano pa man yan, mas mabuti nang malakas ang katawan ng iyong mga gamefowl laban sa mga sakit at stress na maaari nilang makuha. 

Bukod sa healthy diet, makakatulong ang iba’t-ibang gamot at supplements sa pagpapabuti ng kalusugan ng iyong mga alaga. Isang halimbawa nito ay ang Thunderbird Dextrose Powder, na tried and tested na para sa mga hayop at aprubado na ng expert gamefowl owners. Alamin kung ano ang mga benefits nito para sa kalusugan ng iyong mga gamefowl.

Bakit OK ang Thunderbird Dextrose Powder for Gamefowls

Ang Thunderbird Dextrose Powder ay isang water-soluble supplement na makakatulong laban sa dehydration na maaaring mangyari kapag na-stress ang iyong mga alaga. 

Pwede ring tumulong ang supplement na ito sa pag-replenish ng mga vitamins, minerals, o nutrients na nawala sa kanilang katawan noong sila ay dumaan sa stress. Dahil dito, ang Thunderbird Dextrose Powder ay ideal para sa mga gamefowl na:

  • Katatapos lang  magpabakuna (post-vaccination)
  • Kino-kondisyon o ihina-handa para sa laban (conditioning)
  • Nagpapagaling mula sa sakit (disease recovery)
  • Nagpapahinga pagkatapos ng laban (post-fight recovery)

Bakit Masama ang Dehydration Para sa Mga Gamefowls?

​​Katulad sa katawan ng mga tao, ang dehydration ay nagdudulot ng negatibong epekto sa iyong mga gamefowl. Dahil dito, kailangang maging handa laban sa banta ng dehydration, sa tulong ng Thunderbird Dextrose Powder. 

Kapag ang mga gamefowl mo ay hirap huminga, ibuka ang kanilang mga pakpak ang i-check ang mga ito.  Kadalasan ay nagkakaroon ng himulmol ang kanilang mga balahibo at ito’y potential na senyales na ng dehydration. Nagiging maputla rin ang kanilang mga mukha, na maaaring maging sintomas ng dehydration o ibang sakit.

Prone ang mga gamefowl sa dehydration dahil wala silang sweat glands na nagkokontrol sa temperatura ng kanilang katawan. Dahil dito, kailangan nilang huminga gamit ang kanilang mga bibig upang mag-”cool down” ang kanilang katawan at ilabas ang pawis na naipon. Subalit kapag sila’y humihinga ay nababawasan naman ang body fluid sa kanilang katawan na pwedeng maging simula ng dehydration.

Kapag hindi sila agad nabigyan tubig o gamot pagkatapos nilang mapagod, nababawasan rin ang volume ng kanilang dugo. Dahil dito, kumakapal ang kanilang dugo at may posibilidad na lumala ang kanilang kondisyon.

Ang makapal na dugo naman ay pwedeng magpataas sa heart rate ng mga gamefowl. Ito’y dahil kailangang magtrabaho ng husto ng kanilang katawan lalo na ang cardiovascular system nila para dumaloy ang dugo mula sa kanilang puso patungo sa muscles at organs. Kung patuloy silang na-de-dehydrate, bababa pa ang kanilang blood volume at kokonti ang daloy ng dugo sa kanilang katawan.

Kaya kapag hindi sila binigyan ng tubig o gamot, o kaya ay isinabak sila sa laban kahit dehydrated, tataas ang body temperature nila. Ito’y magdudulot ng heat stress na pwedeng maging sanhi ng kanilang pagkahimatay, pag-collapse, o pagkamatay.

Para maiwasan ang mga problemang tulad nito, bigyan sila ng supplement tulad ng Thunderbird Dextrose Powder. Ito’y magsisilbing panangga nila laban sa dehydration at tulong sa pagpapalakas ng kanilang katawan at resistensya.

How to Use Thunderbird Dextrose Powder Para sa Gamefowls

Para sa ideal, ihalo ang 1 tablespoon ng Thunderbird Dextrose Powder sa conditioning feed ng iyong gamefowl at ibigay sa kanila dalawang beses kada araw.

Kung may tanong ka pa tungkol sa ibang benefits ng Thunderbird Dextrose Powder benefits at kung paano  ito ibibigay sa iyong mga alagang gamefowl, kausapin ang iyong trusted na beterinaryo. Pwede ring bumisita sa UNAHCO website para sa dagdag na kaalaman tungkol sa tamang paraan ng pagpapalakas at pagpapalaki ng iyong mga gamefowl.

References:
https://www.backyardchickens.com/threads/dehydration-symptoms-cure-and-prevention.678722/ 
https://rbsugbo.wixsite.com/the-blakliz/single-post/2017/05/09/why-control-cocks-body-moisture-for-fight

Be a UNAHCO Partner