Ang lakas, galing at overall performance ng gamefowls ay hindi lang nakadepende sa bloodline ng manok. Nakatali din ito sa tamang pag-aalaga. Ang dapat: kalidad na nutrisyon mula sa patuka, efficient at effective na conditioning o pagsasanay ng pisikal at mental na kalagayan nila, at maaasahang mga gamot at supplements para sa kanilang overall health. Mahalaga din ang bacterial flushing para sa karagdagang proteksyon ng mga alaga. Pero ano nga ba ang bacterial flushing? Paano ito nakakatulong sa mga alaga? Alamin ang mga ‘yan kasama ang mga dapat tandaan pagdating sa proseso nito.
Bacterial Flushing: Paano ito Nakakatulong sa Performance ng Alaga
Nahihilera sa gamefowl care routines na delousing at deworming, ang bacterial flushing ay mahalagang parte ng conditioning (early stages) ng mga manok. Mula sa pangalan nito, ang bacterial flushing ay ang proseso ng pag-aalis o pagpu-purga ng kuto, bulate at iba pang bacteria na maaaring magdulot ng sakit at makasama sa kalusugan ng mga alaga. Ginagawa ito sa tulong ng scheduled o periodical na pagbibigay ng antibiotics sa manok.
Dahil protektado ang manok sa mga posibleng sakit at karamdaman mula sa bacteria, maasahan ang sigla’t tibay ng pangagatawan mula conditioning hanggang sa mismong mga laban nito. Dagdag dito, dahil may tulong na sa pagpupuksa ng bacteria, makaka-focus ang kanilang katawan sa pag-digest at pag-absorb ng essential nutrients na makakatulong din sa kanilang performance at kalusugan.
Hindi lang beneficial ang bacterial flushing sa isa o dalawang manok. Makakatulong ito sa pagpapanatili ng kaligtasan ng buong farm. Importanteng malaman na dahil sa papalit-palit na init at lamig ng panahon, maya’t maya ay laganap ang bacterial at viral na mga sakit at maaaring mabilis itong mapagpasa-pasahan ng mga alaga. Kung protektado ang lahat ng gamefowls sa iyong farm, maasahang mababa ang chance na may magkasakit at mababa din ang chance na kumalat ito.
Pagsasagawa ng Bacterial Flushing
Ang bacterial flushing ay ginagawa kada buwan. Ayon sa PVET Better Gamefowl, isang detalyadong reference material para sa mga gamefowl breeders at cockfighters, ang bacterial flushing ay dapat kasama sa conditioning program ng mga gamefowls, partikular na 18 at 9 days bago ang araw ng laban. Ito ang nirerekomendang routine sa mga araw na ito.
18 Days Before Fight Day
- 7 a.m: Morning feed, kasabay nito ay ihanda ang antibiotic at ibigay sa mga alaga pagkatapos kumain
- Tanghali: Magbigay muli ng bagong handang antibiotic.
- 5 p.m: Afternoon feed.
9 Days Before Fight Day
- 4 o 5 a.m: Gawin ang rotation.
- 7 a.m: Morning feed, kasama ang paghahanda ng antibiotic at pagbibigay nito.
- Tanghali: Magbigay muli ng bagong handang antibiotic.
- 5 p.m: Afternoon feed.
Mga Dapat Tandaan sa Bacterial Flushing
Para lalong mabisa o maganda ang epekto ng antibiotic sa alaga, siguraduhing tama ang pagsasagawa ng bacterial flushing. Alalahanin ang mga sumusunod na tips at paalala.
DAPAT
- Sa pagbibigay ng gamot, siguraduhin na malinis ang mga pasong paglalagyan ng gamot.
- Kasabay ng pagbibigay ng oral na antibiotic, mabuti ding bigyan ang alaga ng Bexan XP Injectable. Ito ay siksik sa B-complex vitamins na tumutulong sa pagpapaganda ng muscle development at nutrient utilization. May liver extract din ito para mas magandang blood health, at folic acid na nagpapatalas ng mental alertness ng alaga. Para sa conditioning period, turukan (deep intramuscular) ang panlabang manok ng 0.5mL kada linggo.
- Paliguan din ang gamefowl at gumamit ng medicated shampoo para mapuksa ang parasites na maaaring nagtatago sa mga kuko, balat, mga pakpak at iba pang parte ng panlabang manok.
- Samahan ng mainam na vaccination program at farm disinfection routine ang bacterial flushing. Obserbahan din ang ilang biosecurity measures tulad ng paglilimita ng mga bisita sa farm. Ang mga ito ay para lalong masiguro na ligtas ang buong farm sa mga sakit na maaaring dumapo.
- Sa antibiotics, gumamit ng mga subok na’t pinagkakatiwalaan ng mga eksperto’t mga beterano: Vetracin Gold Capsule o Baxidil SE Caplet.
- Oral na gamot, ang Vetracin Gold Capsule ay may pinagsamang antibiotics na Doxycycline at Tiamulin. Maaasahan ito laban sa respiratory infections na ‘di kayang tapatan ng ibang antibiotics. Para sa mga panlabang gamefowls, magbigay ng 1 capsule per 2kg. ng kanilang bigat.
- Ang Baxidil SE naman ay may sulfadimethoxine at trimethoprim na magkatulong laban sa mga sakit tulad ng coccidiosis, fowl cholera, infectious coryza at colibacillosis. Para sa panlabang manok, magpatunaw ng 1 kutsarita (3 grams) sa isang gallon ng tubig pang-inumin.
‘DI DAPAT
- Huwag paiba-iba ng schedule ng pagbibigay ng gamot! As much as possible, maging consistent sa iyong conditioning program.
- Huwag umasa sa mga nababasa o napapanood lang online. Mainam pa ding samahan ang research ang konsulta sa vet.
Tandaan: sa pag-aalaga ng gamefowls at iba pang mga hayop, may halaga ang tamang alaga. Magbasa ng iba pang tips at impormasyon tungkol sa pagmamanok at pag-aalaga sa gamefowls mula sa UNAHCO.
Sources:
https://www.quora.com/What-are-the-basics-of-bacterial-flushing-in-gamefowls
https://thepoultryfeed.com/how-to-make-a-rooster-fight-better/
https://unahco.com/news-events/bacterial-flushing-101-the-basics-for-sabong/