Bagama’t hindi siya kaaya-ayang pakinggan (o amuyin), mahalagang bantayan o obserbahan ang pagtatae ng mga baboy dahil dito minsan nalalaman kung mayroon silang mga karamdaman. Kung napansin niyo na nagiging madalas ang kanilang pagtatae kasabay ng iba pang mga sintomas, dapat ka na mabahala.
Ang scouring o pig diarrhea ay pwedeng magdulot ng matinding sakit sa mga baboy at pinsala sa kanilang katawan. Kapag hindi rin ito naagapan kaagad ay pwedeng lumala ang kanilang kondisyon, at maaaring maging sanhi pa ng kanilang kamatayan.
Mabuti na ang handa. Bago pa tamaan ang mga alagang baboy, siguraduhing alam mo na ang gagawin sakaling dapuan sila ng sakit. Alamin mabuti ang mga sanhi at sintomas ng pig diarrhea. Higit sa lahat, aralin paano gamitin ng tama para maiwasan ang mga komplikasyon nito.
Ano ang Sanhi ng Pig Diarrhea?
Ang iba’t ibang mga bacteria, viruses, at parasites ang nagdudulot ng diarrhea sa mga baboy. Pero, doblehin ang pag-iingat sa mga mikrobyong ito na karaniwang sanhi ng sakit sa mga baboy:
- Bacteria – Colibacilossis (Escherichia coli o E.coli): Sa lahat ng posibleng sanhi ng diarrhea mga baboy, ito ang pinaka-karaniwan. Ang mga sow o babaeng baboy ay pwede maging carrier ng virus na ito, lalo na kapag hindi nalilinis ng mabuti ang kanilang kapaligiran.
- Virus – Rotavirus: Ito ang pinaka-karaniwang sanhi ng acute gastroenteritis sa mga batang hayop. Kumakalat ang virus na ito by “fecal-oral” transmission at nagdudulot ng matinding pinsala sa small intestine ng baboy.
- Parasites – Trichuris suis o whipworms: Nagdudulot ito ng diarrhea, dehydration, o pagkamatay sa mga apektadong baboy.
Alamin ang Mga Sintomas ng Pig Diarrhea
Ang mga sintomas ng diarrhea sa mga baboy ay nag-iiba depende sa kanilang edad:
- Sows: Hindi ito karaniwan sa mga sows. Ngunit kapag naapektuhan sila nito, ang mga sintomas ay kadalasang kakabit ng isang viral infection.
- Weaning pigs: Sa mga weaning pigs naman, ang mga unang senyales ng diarrhea ay dehydration at matubig na dumi. Ang mga weaners rin ay nababawasan ng timbang, may mga mata na mukhang “sunken,” at sumusuka. Ang kanilang mga “pen” ay madumi.
- Mga biik o piglet: Kadalasan, nagkukumpulan o nakahiga ang mga biik na may sakit sa isang sulok. Sila ay nanginginig, sumusuka, dehydrated, may mga mata na mukhang “sunken, at kanilang balat ay parang kuwero o leather.
Ang balat na malapit rin sa kanilang puwet at mga buntot ay basa, at ang kanilang mga scour or dumi ay mayroong kakaiba at distinct na amoy. Pwede ring dumikit ang dumi sa kanilang mga balat kaya nagmumukha silang orange o puti.
How to Treat Diarrhea in Pigs: Maghanda ng Angkop na Gamot
Mas mainam na handa ka na para sa anumang diarrhea-related disease na makakaapekto sa mga baboy. But how do you treat pigs with diarrhea, lalo na kung bacteria ang sanhi nito? Magtanong sa iyong beterinaryo tungkol sa potential na solusyon tulad ng Bacterid!
Ang Bacterid ay isang broad-spectrum injectable antibiotic na may pangunahing ingredient na Enrofloxacin. Ang gamot na ito ay makakatulong sa paglaban sa mga pathogens tulad ng staphylococcus, bacilli, and cocci na pwedeng makaapekto sa mga baboy.
Bukod dito, pwedeng tumulong ang Bacterid sa paglaban sa mga sakit tulad ng bacterial at mycoplasma pneumonia, colibacillosis, enteritis, at skin and soft tissue infections.
Kapag gagamitin ang Bacterid sa mga baboy, ibigay ito via deep intramuscular (IM) injection. Magturok ng 1mL ng gamot kada 20 kg ng kanilang body weight sa loob ng tatlong (3) araw.
Tandaan lang rin na ang withdrawal period para sa mga baboy na bibigyan ng gamot na ito ay sampung (10) araw – kaya importante ang magplano. Higit sa lahat, iwasan rin ang pagbigay ng Bacterid sa mga biik habang sila ay lumalaki ng husto.
Kung may gusto ko pang malaman tungkol sa mga sanhi ng sakit na ito at mga epektibong pig diarrhea treatment in the Philippines, bumisita lamang sa website ng UNAHCO for more information!
References:
https://www.thepigsite.com/disease-guide/diarrhoea-scours
https://vetmed.iastate.edu/vdpam/FSVD/swine/index-diseases/diarrheal-diseases
https://vetmed.iastate.edu/vdpam/FSVD/swine/index-diseases/Ecoli-diarrhea#
https://vetmed.iastate.edu/vdpam/FSVD/swine/index-diseases/swine-dysentery
https://vetmed.iastate.edu/vdpam/FSVD/swine/index-diseases/whipworm-infection
https://www.veterinariadigital.com/en/articulos/main-causes-of-diarrhea-in-pigs/
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7266596/
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6986833/
https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fvets.2018.00181/full
https://swine.extension.org/salmonella-choleraesuis-in-swine/
https://open.lib.umn.edu/swinedisease/chapter/salmonella-typhimurium/