Ang kasabihan sa Ingles na “prevention is better than cure” ay nakatatak na sa utak ng maraming tao lalo na kung sakit ang pinag-uusapan. Alam mo ba na hindi lamang ITO naaangkop sa mga sakit ng tao, kung hindi para sa mga alagang baboy rin?
Pagdating sa kalusugan ng iyong mga alagang baboy, malaking tulong ang iba’t ibang diskarte para mapanatili ang kanilang kalusugan at makaiwas sila sa mga sakit tulad ng African swine fever.
Bagamat hindi nakakahawa sa tao ang ASF, malaki ang pinsalang maidudulot ng sakit na ito sa mga alagang baboy at sa negosyo. Alamin at tandaan ang mga tips on how to prevent African swine fever in pigs.
African Swine Fever Causes and Symptoms: Alamin Ang Mga Ito
Base palang sa pangalan, ang ASF ay isang nakakahawang sakit na maaaring makaapekto sa mga baboy. Ang pangunahing dahilan ng sakit na ito ay ang African swine fever virus (ASFV). Nakukuha ng mga baboy ang virus na ito kapag:
- May direct contact sila sa mga may sakit na hayop o sa kanilang mga dumi o body fluid
- May indirect na contact sa mga kagamitan, kotse, o tao na nakikisalamuha sa mga baboy
- Nakakain nila ang infected na karne o produktong may karne ng baboy
- May interaksyon sila sa mga hayop na nagdadala nito, tulad ng ticks
Ang ASF ay pwedeng magdulot ng sari-saring sintomas tulad ng:
- Mataas na body temperature (aabot ng 40.5 degrees C)
- Pagsusuka o vomiting
- Pagtatae o diarrhea (minsan may senyales na ng dugo)
- Pagpula ng kanilang balat, lalo na sa tenga o nguso
- Pagkawala ng gana sa pagkain o appetite loss
- Pag-ubo o coughing
- Kahirapan sa paghinga o breathing difficulties
- Panghihina ng katawan at kahirapan sa pagtayo
Tandaan: How to Prevent ASF in Pigs
Para siguradong protektado ang mga alagang baboy laban sa banta ng ASF, kailangan ay malusog ang kanilang katawan at malinis na kapaligiran. Tandaang mabuti ang mga tips na kayang-kayang bilangin sa isang kamay – ang Singko Kasado!
- Isolation: Ilayo ang mga baboy sa daanan at palibutan sila ng perimeter fencing. Bukod dito, limitahan ang mga bisita na dadalaw sa kanila. Siguraduhin rin na walang kasamang ibang hayop sa lugar ng mga baboy. Kapag may mga baboy na nagpapakita ng sintomas ng sakit, huwag mag-atubili at ilayo na sila para maiwasan ang hawaan.
- Nutrition: Bigyan ang iyong mga alagang baboy ng tama at nararapat na nutrisyon. Pagdating sa kanilang pakain, piliin ang Pigrolac Premium Feeds na may mga Immune Enhancers na magpapalakas sa kanilang katawan. Tingnang mabuti ang Pigrolac Feeding Guide na ito na gagabay sa iyo sa nararapat na pakain para sa iba’t ibang edad ng mga baboy.
- Disinfection: Mayroon itong apat na parte: cleaning, washing, disinfecting, at drying. Ang regular na disinfection sa kapaligiran ng mga baboy ay isang mahalagang istratehiya laban sa ASF. Namamahay o namumugad sa maduduming lugar ang mga virus, bacteria, at iba pang mga mikroboyong nagdudulot ng sakit. Kapag maglilinis ng kapaligiran ng iyong mga alaga, gumamit ng de kalidad na disinfectant tulad ng Microban GT na epektibo laban sa iba’t ibang virus at bacteria.
- Supplementation: Ugaliing bigyan ang mga baboy ng mga vitamins at supplements para makaiwas sila sa epekto ng stress. Tutulong rin ang mga vitamins at supplements sa pagpapalakas ng resistensya ng katawan dahil magbibigay ito ng sari-saring nutrients. Magtanong sa iyong beterinaryo tungkol sa mga supplements tulad ng Digestiaide, Bexan SP, o Jectan Premium.
- Vaccination: Alamin ang mga sakit na maaaring kumalat sa iyong lugar. Pagkatapos, gumawa ng isang vaccination program na akma para sa mga baboy. Siguraduhin rin na lisensyadong beterinaryo ang magbibigay ng bakuna sa iyong mga alagang baboy.
Handa ka na bang tulungan ang iyong mga alagang baboy sa paglaban sa ASF? Maaari mo na itong gawin sa tulong ng Singko Kasado. Bago magsimula, maaari ka ring kumunsulta sa isang beterinaryo tungkol sa iba pang mga estratehiya na pwedeng gawin sa iyong negosyo laban sa mga sakit ng baboy.
Huwag ring kalimutang basahin ang impormasyon tungkol sa iba’t ibang mga produkto na nabanggit na pwedeng tumulong sa iyo laban sa ASF, tulad ng mga supplements at disinfectants. Mahalagang alamin ang wastong paggamit at pagtago ng mga ito pagkatapos gamitin.
Ang karagdagang aksyon pagdating sa ASF ay makakatulong ng husto sa pag-iwas sa sakit at pagpapalakas ng resistensya ng mga alagang baboy. Para sa iba pang mga tips tungkol sa tamang pagpapalaki ng baboy at paglaban sa mga sakit, bumisita lamang sa UNAHCO website.
References:
https://www.woah.org/en/disease/african-swine-fever/
https://www.daera-ni.gov.uk/articles/african-swine-fever
https://www.thepigsite.com/disease-guide/african-swine-fever-asf
https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fvets.2018.00011/full