Maaaring narinig mo na kung gaano kapaki-pakinabang ang Bacterid sa paglaban sa Diarrhea o Scouring ng mga baboy. Pero alam mo ba na nakakatulong din ang gamot ng baboy na ito laban sa iba pang mga sakit?
Alamin kung bakit ipinapayo ang pagbili ng extra stocks ng Bacterid para sa iyong farm! Alamin ang iba’t ibang mga sakit na kayang labanan ng Bacterid.
Enteric Diseases: Sakit sa Bituka
Ang salitang “Enteric Diseases” ay tumutukoy sa mga klase ng mga sakit na dala ng pagkonsumo ng pagkain, tubig, o iba pang mga sangkap na kontaminado ng mga mikrobyo at toxins na pumipinsala sa gastrointestinal tract.
Sa sakit na ito, ang mga baboy ay nagkakaroon ng impeksyon sa bituka. Dahil kumakapit ang Enteric Diseases sa gastrointestinal tract ng mga alaga, sila ay maaaring maging malnourished, ma-dehydrate, at mamatay.
Ang bawat uri ng Enteric disease ay may mga iba’t ibang katangian. Gayunpaman, marami sa mga klinikal na sintomas kabilang ang pagtatae, pagsusuka, at dehydration, ay magkakapareho. Dito, alamin natin kung ano-ano ang iba’t ibang halimbawa ng Enteric Diseases:
-
Salmonellosis
Ang mga alagang baboy na tinamaan ng Salmonellosis ay karaniwang nagkakaroon ng naaagnas na lining sa likod ng bituka. Ang mga lymph node (mga lumps na gumagana bilang mga filter laban sa impeksyon) na kumukonekta sa bituka at tiyan ng mga baboy ay nagkakaroon ng iba’t ibang antas ng paglaki, pamamaga, at pamumula. Sa mga malalang kaso ng sakit, nagkakaroon din ang mga alaga ng internal bleeding.
-
Ileitis
Ang pagsusugat sa pinaka-babang parte ng bituka o Illeum ng mga baboy ay tinatawag na Ileitis. Ang mga sintomas ng ileitis ay kinabibilangan ng pagbaba ng timbang, pagtatae, pananakit sa tiyan, o pagkakaroon ng fistula. Ang fistula ay isang abnormal na koneksyon sa pagitan ng dalawang bahagi ng katawan, tulad ng isang organ o daluyan ng dugo.
Kapag malala na ang Ileitis ay maari ito maging dahilan upang mashock ang mga alagang baboy dahil sa sepsis. Ang sirang daluyan ng dugo na dulot ng sepsis ay maaaring magresulta sa hindi regular na blood clotting process na pumipinsala o pumapatay sa mga tisyu. Dagdag pa dito, ang supply ng dugo sa mahahalagang organs, kabilang ang utak, puso, at bato, ay nahahadlangan dahil sa sepsis.
Respiratory Diseases: Sakit sa Baga
Ang mga sumusunod ay mga pangkaraniwang Respiratory Diseases na nakakaapekto sa mga baboy at maaari ring agad na kumalat sa ibang mga hayop.
Mahalagang gumawa ng mga hakbang upang protektahan ang iyong mga baboy mula sa mga sakit na ito dahil maaari itong magdulot ng problema sa paghinga at maging kamatayan.
-
Mycoplasmal Pneumonia
Ang Mycoplasmal Pneumonia ay hindi masyadong malala ngunit ito ay nakakahawa. Ang matagal na tuyong ubo, mababang timbang, paghihirap sa paghinga, at mga sugat sa baga ay ilan sa mga senyales ng sakit na ito.
Ang mga paglala ng mycoplasmal pneumonia sa babuyan ay maaaring maging isang epidemya kapag hindi nabantayan. Kapag kumalat ito, tiyak na mahahadlangan ang paglaki ng mga alagang baboy. Bukod dito, ang mga apektadong baboy ay nahihirapan i-convert sa energy ng tama ang kanilang mga feeds.
-
Atrophic Rhinitis
Ang pagbahing ay isang sintomas ng Atrophic Rhinitis, na sinusundan ng pag-rupok ng mga turbinate bone. Ang mga turbinate bone ay mga payat na butong makikita sa paligid ng septum. Sila ay madalas na natatakpan ng malambot na tisyu na matatagpuan sa loob ng ilong (mucosa). Kinokontrol nila ang daloy ng hangin at pinapainit o pinapalamig ang hangin na nalalanghap ng ilong.
Dahil sa Atrophic Rhinitis, ang nasal septum ay maaari ding masira at ang itaas na panga ng mga alagang baboy ay maaaring umikli o bumaliko. Bilang resulta, tumataas ang supply ng dugo sa septum at namamaga ito.
Reproductive Diseases: Sakit sa Ari
Huwag ipagwalang bahala ang reproductive health ng mga alaga! Upang maayos na alagaan ang mga alagang baboy, mahalaga ring ma-distinguish ang abnormal vaginal discharge mula sa normal na discharge nito. Sa pangkalahatan, ang mga discharge na hindi normal ay nauugnay sa pagkakaroon ng reproductive diseases.
Basahin dito ang ilang mga reproductive disease ng mga baboy at kanilang mga sintomas.
-
Brucellosis
Ang Brucellosis ang tawag sa kondisyon ng mga baboy kung saan madali silang makunan (mamatayan ng anak). Ang direktang pag-dikit sa mga apektadong tisyu o laman mula sa mga nalaglag na fetus ay isa sa mga dahilan kung paano mabilis na naililipat ang brucellosis sa ibang baboy. Bukod sa panganganak ng kulang sa buwan, maari ring magkaroon ng infertility o pagkawala ng kakayahang mabuntis ng mga baboy.
-
Metritis
Ang metritis ay pamamaga ng endometrium (lining ng uterus ng baboy) dahil sa impeksyon. Kadalasang nagkakaroon ang mga inahing baboy ng metritis isang linggo pagkatapos manganak. Maaari rin itong ma-develop kapag hindi kusang nalinis ang uterus ng baboy pagkatapos manganak o makunan. Isa pang dahilan ng pagkakaroon nito ay ang hindi sterile o malinis na artificial insemination (pagpasok ng semilya sa ari ng baboy gamit ang syringe). Kasama sa mga sintomas nito ay ang mabaho, matubig na fluid galing sa ari ng baboy, pag-konti ng gatas at lagnat.
Isang Lunas Para Sa Iba’t Ibang Sakit!
Ang iba’t ibang sakit ng baboy ay nagiging dahilan ng pagbaba ng timbang at pagkawala ng gana sa pagkain. Nagiging sanhi rin ang pagbaba ng bilang ng mga alaga. Dahil dito, maaaring mabawasan ang kakayahang kumita ng isang farm.
Icheck kung sapat pa rin ang iniinom na gamot at bitamina ng mga alaga. Alamin kung kailangan na nila ng injectable na antibiotics. Kumunsulta sa isang beterinaryo tungkol dito.
Ano ang Bacterid?
Ang Bacterid ay isang broad-spectrum injectable antibiotic na may Enrofloxacin bilang kanyang active ingredient. Ito ay epektibo laban sa aerobes tulad ng staphylococcus, bacilli at cocci na kilalang kumakapit sa karamihan ng mga hayop sa farm tulad ng mga baboy at gamefowl
Para saan ang Bacterid?
Ang Bacterid ay ginagamit para sa paggamot ng Bacterial at Mycoplasmal pneumonia ng mga baboy, Diarrhea o Scouring, Colibacillosis at Enteritis; at sa iba pang impeksyon.
Contraindication
Ang Bacterid ay bawal sa mga hayop na kinukuhanan ng gatas para sa tao.
Tamang Bacterid Dosage
1. Baboy – Mag-inject ng 1mL sa bawat 20 kg na timbang ng katawan ng baboy sa loob ng 3 araw, diretso sa malalim na muscles (intramuscular injection).
2. Poultry at Gamefowls – Mag-inject ng 0.2 mL bawat ulo sa loob ng 3 araw, diretso sa malalim na muscles (intramuscular injection).
3. Baka – Mag-inject ng 1 mL bawat sa 20 kg na timbang ng katawan ng baboy sa loob ng 5 araw, diretso sa malalim na muscles (intramuscular injection).
Withdrawal Period
Ang withdrawal period ng mga alagang Baboy sa Bacterid ay 10 araw. Para sa mga alagang baka, ito ay 14 na araw.
Ikaw ba ay may-ari ng farm, nag aalaga ng baboy o Interesadong bumili ng Bacterid? Pumunta lang sa website na ito at tiyak na madadagdagan ang kaalaman mo tungkol sa mga alagang baboy.
If symptoms persist consult a veterinarian.
References:
https://digitalcommons.unl.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=2375&context=extensionhist
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24920092/
https://extension.missouri.edu/publications/g2315