Hindi magandang balita ang anumang senyales ng sakit sa iyong mga baboy at gamefowl. Isa na dito ang pneumonia na pwedeng maka-apekto sa kalusugan ng iyong mga alaga at maaari pang maging sanhi ng pagkamatay nila.
Bago abutan ng disgrasya, mabuting maghanda laban sa pneumonia at siguraduhin na nasa maayos na kundisyon ang iyong mga hayop para hindi sila dapuan nito. Alamin kung paano naaapektuhan ng pneumonia ang mga baboy, manok, at gamefowl, kasama ang mga mabisang gamot laban sa mga ito.
Paano Nagkaka-Pneumonia Ang Mga Baboy at Gamefowl?
May dalawang klase ng pneumonia na maaring makaapekto sa mga baboy:
- Mycoplasmal pneumonia of swine (MPS) o enzootic pneumonia: Ito ay dulot ng bacteria na Mycoplasma hyopneumoniae na umaatake sa baga ng mga baboy. Kapag hindi agad naagapan, ang bacteria na ito ay pwedeng maging sanhi ng secondary infections sa baga na dulot ng mga bacteria tulad ng Pasteurella multocida, Streptococcus suis, Haemophilus parasuis and Actinobacillus pleuropneumoniae.
Ang MPS ay nakaka-apekto ng mga baboy nasa stage matapos ang weaning, pero ang mga baboy na grower at finisher ay kadalasang nagkakaroon din nito. Naipapasa ang bacteria sa pamamagitan ng pag-inom ng gatas mula sa inahin. Maaari ding mapasa ang bacteria sa pamamagitan ng pagsama ng mga infected na baboy sa malulusog na baboy. Ang mga karaniwang sintomas ng MPS ay:- Matagal na ubo
- Respiratory distress o kahirapan sa paghinga
- Lagnat
- Porcine pleuropneumonia: Dala ng bacteria na kung tawagin ay Actinobacillus pleuropneumoniae, ang Porcine Pleuropneumonia ay nagdudulot ng matinding pinsala sa mga baga ng mga baboy dahil sa mga sintomas nito tulad ng:
- Maikling ubo
- Matinding hirap sa paghinga
- Pagkakataon kung saan ang tiyan ang ginagamit sa paghinga imbes na dibdib
- Dugong lumalabas sa ilong at bibig
- Tenga, paa, at kamay na nagiging asul
Para sa mga ibon tulad ng manok at gamefowl, pwede silang maapektuhan ng chronic respiratory disease (CPR) na nagdudulot ng matinding pinsala sa respiratory system ng mga ibon. Sa sakit na ito, ang bacteria na Mycoplasma gallisepticum ang nakaka-apekto sa iyong mga gamefowl. Mas laganap ito kapag stressed ang mga alaga.
Ang bacteria na sanhi ng sakit na ito ay naipapasa sa pamamagitan ng mga itlog, sa hangin, mga lagayan na ginagamit sa paglipat ng mga ibon, o sa pagsasama ng mga nahawaang ibon sa mga malulusog na ibon. Ang mga sintomas ng CRD ay:
- Paghahaching (sneezing)
- Pagsisinghot (sniffing)
- Pag-ubo (coughing)
- Senyales ng respiratory disease
- Mabagal na paglaki (slow growth)
- Basang ilong
Ano Ang Pwedeng Gamot Laban sa Pneumonia o CRD?
Kailangan bantayan ng maigi ang iyong mga alagang hayop para hindi sila magkasakit. Ngunit kung napansin niyo na ang mga sintomas ng pneumonia o CRD, mainam na agad kumonsulta sa beterinaryo para sa mga gamot na maaaring ibigay sa mga alaga. Ang ilan sa mga gamot na maaaring irekomenda ay ang mga sumusunod:
- Vetracin Gold with Probiotics: ito ay isang superior at mabilisang solusyon kontra sa ubo, sipon, at lagnat na sintomas ng pneumonia sa mga baboy, at kontra sa sipon, pisik, o halak na sintomas ng CRD sa mga ibon.
Ang Vetracin Gold with Probiotics ay pwede din tumulong sa pagresolba ng pagtatae o diarrhea sa mga baboy na nagsisimula sa mga bacteria, o sa iba pang mga sakit na respiratory na nakaka-apekto sa mga manok. Pwede rin tumulong ang gamot na ito sa pagpapanatili ng idealweight gain at feed efficiency kahit may sakit.
Bago niyo gamitin ang Vetracin Gold with Probiotics, siguraduhing may reseta galing sa isang beterinaryo. Itago rin ang mga gamot sa lugar kung saan ang temperatura ay di tataas ng 30°C, malayo sa ilaw at moisture, at sa mga batang pwedeng makadampot nito. Kapag magpapagamot, siguraduhin na susunding ang mga ideal dosage:- Baboy: Haluin ang 2 teaspoon ng gamot sa 2 kilo ng feed o lusawin ang 2 teaspoon ng gamot sa 1 gallon ng tubig pang-inom. Bigyan ang iyong mga baboy ng lima hanggang pitong araw.
- Poultry o Gamefowl: Lusawin ang 2 teaspoon ng gamot sa 1 gallon ng tubig at painumin ito ng lima hanggang pitong araw.
- Vetracin Gold Capsule: Pwede niyo itong ibigay sa mga apektabong ibon. Ito’y oral antibiotic na may dalawang synergistic na gamot (Doxycycline at Tiamulin) na pwedeng umaksyon sa loob ng 24 oras matapos itong ibigay sa mga hayop. Magbigay ng isang capsule dalawang beses sa isang araw, sa tatlo hanggang limang araw.
- Vetracin Ultima: Para sa mga baboy at gamefowl, ang Vetracin Ultima ay ginagamit para sa treatment ng mga impeksyon ng baga o tiyan, infectious arthritis, erisypelas, at chronic respiratory disease complex. Kapag ibibigay ito sa mga baboy o manok at gamefowl, lusawin ang 2 teaspoon ng gamot sa isang 1 gallon ng tubig pang-inom at painumin ng lima hanggang pitong araw.
Para sa ibang impeksyon at sa pagpapalakas ng immune system ng mga alagang baboy at manok o gamefowl laban sa mga sakit, bigyan sila ng Vetracin Classic. Epektibong ibigay ito sa mga biik na 7 hanggang 21 na araw na gulang, at sa mga broiler o brood chicks na nasa kanilang una o pangalawang linggo. Kapag magpapainom ng Vetracin Classic, magtunaw ng 2 kutsaritan sa 1 gallon ng tubig pang-inom sa loob ng lima hanggang pitong araw.
Ang pneumonia at chronic respiratory disease ay malulubhang sakit na pwedeng makasama sa kalusugan ng mga alaga at maaari ring maka-apekto sa negosyo. Kaya mabuti nang maging handa para dito. Para sa dagdag proteksyon, siguraduhing malinis ang kapaligiran at ang buong farm.
Kumonsulta agad sa isang beterinaryo kapag may mga nakikitang sintomas na ng mga sakit. Pwede rin kayong bumisita sa website na ito para malaman pa kung paano kayo pwede mag-ingat laban sa pneumonia o chronic respiratory disease at ang mga epektibong gamot laban dito.
Sources:
https://unahco.com/news-events/a-cheatsheet-on-how-to-manage-and-treat-sick-pigs/
https://unahco.com/brands/univet/swinevet/vetracin-classic/
https://unahco.com/brands/univet/swinevet/vetracin-gold-with-probiotics/
https://unahco.com/brands/univet/swinevet/vetracin-ultima/
https://unahco.com/brands/univet/powervet/vetracin-gold-capsule/
https://www.dpi.nsw.gov.au/__data/assets/pdf_file/0005/462056/Mycoplasmal-pneumonia-in-pigs.pdf
https://www.thepigsite.com/disease-guide/actinobacillus-pleuropneumonia-app