Pamilyar siguro tayo sa halaga ng iba’t ibang B vitamins para sa katawan ng tao. Ang mga vitamins na parte ng grupong ito ay may kanya-kanyang benefits na tumutulong sa pagpapabuti ng kalusugan, pagpapagana ng katawan, at pagpapalakas ng resistensya ng mga tao.
Pero alam niyo ba na ang B vitamins ay makakatulong rin ng husto sa pagpapalaki at pagpapalakas ng iyong mga alagang baboy?
Alamin ang mga vitamin B complex benefits for pigs, lalo na ang vitamin B12, at kung paano mo ibibigay ang mahalagang bitaminang ito sa kanila.
What Does Vitamin B12 Do for Pigs?
Importante ang vitamin B12 para sa mga alagang baboy dahil kailangan ito sa paggawa ng iba’t-ibang enzymes sa katawan. Ang mga enzymes ay tumutulong sa maraming metabolic functions sa katawan ng mga alagang baboy para lumakas sila ng husto.
Ang vitamin B12 ay kinakailangan rin ng kanilang katawan para gumawa ng red blood cells. Nagagawa nila ito kasama ang iba pang nutrients katulad ng folic acid, iron, at copper.
Ayon sa isang pag-aaral, ang pagdagdag ng vitamin B12 sa pakain o diet ng mga baboy ay kapaki-pakinabang para sa kanila. Base sa resulta, ang mga baboy na nabigyan ng vitamin B12 sa kanilang pakain ay nadagdagan ng timbang (weight gain) at mas magana kumain (increased intake).
Kapag kulang sa bitaminang ito ang diet ng mga alagang baboy, maaari nilang maranasan ang vitamin B12 deficiency. Ang mga baboy na may ganitong deficiency ay kadalasang anemic.
Mahalagang agapan kaagad ang vitamin B12 deficiency dahil pwede itong magdulot ng mga problema tulad ng mababang growth rate, hindi pagkain ng ideal na amount o low intake, magaspang na balahibo, hirap sa pagtayo o paggalaw o incoordination, at problema sa panganganak o reproductive failure.
Siguraduhing Makukuha Rin Nila ang Mga Vitamins na Ito
Bukod sa vitamin B12, kailangan rin ng mga baboy ang iba pang mga vitamins na tutulong sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan at pagpapalakas ng katawan.
Makukuha ang mga vitamins at nutrients na ito sa mga pakain at sa mga supplements na inirerekomenda para sa mga baboy. Ilan sa iba pang mga mahahagalang bitamina para sa mga baboy ay:
- Vitamin A: Kailangan ito para sa pagpapalinaw ng paningin (vision), paggawa ng tissue, at pagpapadami (reproduction).
- Vitamin B2 (riboflavin), B3 (niacin), at B5 (pantothenic acid): Ang mga B vitamins na ito ay mahalagang bahagi ng enzymes na tumutulong sa pag-metabolize ng proteins, carbohydrates, at fats sa katawan ng mga baboy.
- Vitamin D: Tumutulong ito sa pag-absorb ng calcium at phosphorus, dalawang mineral na kinakailangan para sa pagpapalakas ng buto.
- Vitamin E: Mahalaga ito bilang isang antioxidant na tumutulong sa pagpapalakas ng resistensya.
Para malaman kung paano maibibigay ang mga vitamins at nutrients na ito sa mga alagang baboy, maaari kang kumunsulta sa isang beterinaryo. Pwede ka nilang gabayan tungkol sa tamang pamimigay ng mga nutrients na ito, at sa ideal na dose para sa iyong mga alaga.
Bigyan ang Mga Alaga ng Vitamin B12 Supplement na Ito
Para siguradong may sapat na vitamin B12 ang iyong mga baboy, bigyan sila ng Bexan SP. Ang Bexan SP ang kaisa-isang injectable Vitamin B Complex supplement na mayroong Resistensya-Gana Formula.
Ang Resistansya-Gana Formula na ito ay mayroong vitamin B12, liver extract, at folic acid na tumutulong sa pagpapalakas ng resistensya ng katawan at gana pagdating sa pagkain, pati na rin sa pagpapabilis ng paglaki ng iyong mga alagang baboy. Tandaan ang ideal na vitamin B12 supplement dosage para sa mga alagang baboy:
- Suckling: Turukan ng 1 mL ng at Day 10 and Day 25.
- Starters: Turukan ng 3 mL at Day 60.
- Sows/Gilts: Turukan ng 5 mL bago ang breeding at pagkatapos ng farrowing
- Boars: Turukan ng 5 mL kada buwan.
Maaari mo ring bigyan ng Bexan SP ang mga alagang baboy kapag sila ay dumaranas ng stress o nagpapagaling mula sa mga sakit. Tandaan ang ideal na dosage: 1 to 5 mL depende sa kanilang edad.
Kapag may karagdagang katanungan tungkol sa mga benefits ng vitamin B supplements tulad ng Bexan SP at kung paano ito gamitin, huwag mahiyang magtanong sa pinagkakatiwalaang beterinaryo o eksperto.
Pwedeng-pwede mo ring bisitahin ang UNAHCO website para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga vitamins at nutrients na nararapat sa pagpapalaki at pagpapalakas ng mga alagang baboy.
References:
https://porkgateway.org/resource/trace-minerals-and-vitamins-for-swine-diets/