4 Tips Para Sa Paglago Ng Piggery Business | UNAHCO

4 Tips Para Sa Paglago Ng Piggery Business

News & Events

4 Tips Para Sa Paglago Ng Piggery Business

News & Events

4 Tips Para Sa Paglago Ng Piggery Business

SHARE THIS

Naghahanap ka ba ng bagong pagkakakitaan o gusto mong mapalago pa ang iyong negosyo? Baka ngayon na ang tamang panahon para makapagpatayo ng piggery business. 

Maraming Pilipino ang bumibili pa rin ng karne ng baboy para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain o para sa negosyo. Dito makakatulong ang piggery business in the Philippines, lalo na sa lugar na may mataas na pangangailangan para dito.

Pero bago magsimula, may mga bagay na dapat bigyan ng atensyon para maging maayos at matagumpay ang iyong negosyo. Kung interesado ka, tingnang mabuti ang mga tips na ito on how to start a piggery business.


1. Pag-isipan ng mabuti ang diskarte o strategy para sa negosyo.


May dalawang diskarte na pwedeng pagtuunan ng pansin kapag magsisimula ka ng piggery business. Ang una ay ang “breeding” o pagpapalaki mismo ng mga baboy. Dito, kukuha ka ng inahing baboy na aalagaan ng mabuti hanggang sila ay manganak ng mga malulusog na biik.

Ang pangalawa naman ay ang “grow-out system” kung saan kukuha ka ng mga biik o “starter pig” na 12 to 20 kg ang timbang. Papalakihin sila hanggang sa maabot nila ang inaasahang timbang at pwede nang ibenta. Mas inirerekomenda ang sistemang ito dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  1. Mas maikling oras ang kinakailangan: Sa “grow-out system”, aabot lang sa hanggang tatlong buwan ang pagpapakain at pagpapalakas sa mga biik. Pero kapag may breeding na magaganap, pwede itong magtagal ng apat hanggang anim na buwan.
  2. Mas konti ang kailangan mong gagastusin pagdating sa pag-aalaga ng mga baboy: Maselan ang kondisyon ng mga inahing baboy at mga biik, kaya kailangan nila ng dagdag na alaga sa pamamagitan ng nararapat na gamot at pakain. May pagkakataon na mas mataas ang presyo ng mga gamot o pakain na ito, at pwede itong makaapekto sa budget mo.
  3. Mas mababa ang risk o tsansa ng pagkalugi ng negosyo: Pagdating sa “grow out system,” mas kakaunti ang kailangang gastusin pagdating sa imprastraktura at kagamitan.

Pero tandaan na may iba pang mga dahilan na maaaring makaapekto sa kalalabasan ng iyong negosyo. Kung may tanong ka tungkol sa best business practices pagdating sa pagpapalaki ng baboy, pwede kang magtanong sa ibang mga negosyante na nakapagsimula na.

2. Siguraduhin na may sapat, malinis, at matibay na espasyo para sa mga alagang baboy.


Mahalaga ang pagbibigay ng sapat na espasyo sa mga alagang baboy dahil nakakaapekto ito sa kanilang kalusugan at sa kalikasan ng kapaligiran. Kapag bibili o titingin ka ng mga lupain para sa piggery business, tandaan ang mga ideal na sukat para sa mga baboy:

  1. 1.86 to 2.79 square meters kada sow
  2. 0.74 to 1.12 square meters kada baboy na mas mababa sa 100 lbs. ang timbang
  3.  1.12 to 1.86 square meters kada fattening pig na may timbang na 100 to 200 lbs.
  4. 2.32 to 3.25 square meters kada boar o bulugan

Bukod dito, kung magtatayo ka na ng piggery, siguraduhin na matatagpuan ito sa lugar na:

  1. Malayo sa siyudad at iba pang mga “urban areas”
  2. May minimum na 25-meter radius na layo mula sa pinagkukunan ng tubig na pang-inom
  3. May layo na 1,000 meters mula sa mga tirahan at mga gusaling pang-komersyal, industriyal, at institusyonal, lalo na kung medium- o large-scale na iyong mga piggery 

Huwag rin kalimutang magpatupad ng istriktong protocol sa paglilinis ng kapaligiran ng mga baboy. Isa ito sa mga pangunahing depensa ng kanilang katawan laban sa mga sakit.

Mahalaga ang lubusan at consistent na paglinis sa kapaligiran ng mga baboy. Ang dumi nila ay mabaho at posibleng maging sanhi ng polusyon sa tubig o hangin sa paligid, at pati na rin ng iba’t ibang mga sakit sa mga taong nakatira malapit dito.

3. Iparehistro ang negosyo at kumuha ng mga kinakailangang dokumento.


Una sa lahat, kailangan mong siguraduhin na legal ang iyong negosyo. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-rehistro at pagkuha ng mga karagdagang clearance at permit mula sa gobyerno. Importante para sa isang piggery business ang mga sumusunod:

  1. Business permit: Pumunta sa opisina ng Department of Trade and Industry (DTI) na malapit sa lugar na balak mong pagtayuan ng piggery. Kapag aprubado, ang permit ay magiging valid for five years.
  2. Barangay clearance: Makukuha mo ito sa opisina ng barangay kung saan mo itatayo ang piggery.
  3. Tax Identification Number (TIN) ng negosyo: Ito’y importante para sa buwis na kokolektahin ng gobyerno. Makukuha ito sa opisina ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan itatayo ang negosyo.
  4. Mayor’s Permit, license, at Sanitary Permit: Ang mga permits na ito ay kailangang i-renew kada taon. Makukuha ang mga ito sa LGU kung saan itatayo ang piggery.
  5. Environmental Compliance Certificate (ECC): Kunin ito mula sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang ECC ay magsisilbing patunay na ang negosyo ay pumasa sa requirements na nakasaad sa Environmental Impact Assessment System at hindi magdudulot ng negatibong epekto sa kalikasan at kapaligiran ng isang lugar.

4. Maghanda ng nararapat na pakain at gamot para sa mga baboy.


Para lumago ang iyong negosyo, kailangang malusog at malakas ang mga alagang baboy. Kailangan nila ng iba’t ibang vitamins at minerals na makakapagpatibay sa kanilang resistensya, at makukuha mo ito mula sa mga:

  1. Dekalidad na pakain: Siguraduhing hindi basta-bastang pakain ang iyong ibibigay. Ang mga Pigrolac feeds ay may sari-saring vitamins at minerals na tutulong sa pagpapalaki ng baboy at pagpapalakas ng kanilang katawan.
    Matagal na itong pinagkakatiwalaan ng mga negosyante sa Pilipinas, dahil sa bawat stage ng buhay ng iyong mga baboy, may pakain mula sa Pigrolac kang maaasahan.
  2. Epektibong supplement at gamot: Bagamat mahalaga na bigyan ang mga baboy ng masustansyang pakain, makakatulong rin ang mga supplement mula sa Swinevet, tulad ng Vetracin Premium, sa kanilang kalusugan.

    Importante rin na handa ka kung sakaling magkasakit ang mga baboy. Magtanong sa isang pinagkakatiwalaang beterinaryo tungkol sa benefits ng mga gamot tulad ng Vetracin Gold With Probiotics, Bacterid, at iba pa.

Kung handa ka nang magsimula ng piggery business, huwag kalimutan ang mga payong ito. Kapag naisagawa at naiplano ng maayos ang negosyong ito, malaking tulong ang pwede mong maibigay sa maraming tao. Para sa iba pang helpful tips for a piggery business at updates sa wastong pagpapalaki ng mga baboy, i-bookmark ang website ng UNAHCO today. 

References:

https://www.agrifarming.in/pig-farming-in-the-philippines-how-to-start
https//ifranchise.ph/how-to-start-a-piggery-business/
https://fasps.denr.gov.ph/index.php/resources/glossary-of-terms/environmental-compliance-certificate 
https://fasps.denr.gov.ph/index.php/resources/glossary-of-terms/environmental-impact-statement

Be a UNAHCO Partner