Kahalagahan ng Supplements Para sa mga Piglets | UNAHCO

Kahalagahan ng Supplements Para sa mga Piglets

News & Events

Kahalagahan ng Supplements Para sa mga Piglets

News & Events

Kahalagahan ng Supplements Para sa mga Piglets

SHARE THIS

Ano nga ba ang kailangang gawin pagdating sa pagpapalaki at pagpapalakas ng iyong mga alagang baboy? Sa totoo lang, hindi ganoon ka-komplikado ang sagot — ang sikreto ay nasa sapat na nutrisyon habang sila’y biik pa lamang!

How Can I Increase My Piglets’ Growth With Supplements

Para lumaking malakas at malusog ang mga baboy, mahalaga na bigyan sila ng iba’t-ibang “piglet boosters” mula sa mga pakain o feeds at mga supplements. 
Kailangan ng mga baboy ang iba’t-ibang vitamins at minerals na tutulong sa pagbilis ng paglaki, pagpapalakas ng resistensya laban sa mga sakit, at pag-iwas sa mga vitamin at nutrient deficiencies. Ang health issues na mga ito ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan ng mga biik.

What Are the Best Nutrients (and Supplements) for Piglets?

Kung magpapalaki ng mga baboy, hanapin mo ang mga nutrients na ito na sa mga piglet supplements and feeds: 

  1. Vitamin A: Tutulong ang vitamin A sa pagpapalinaw ng paningin ng mga biik, paggawa ng mga tissue, at pagsulong ng good reproductive health.
  2. Vitamin D: Kailangan ito para ma-absorb ang calcium at phosphorus sa katawan ng mga biik, na siyang tutulong sa pagbuo ng mga buto. Ang vitamin D ay makakatulong rin sa pagpapalakas ng resistensya ng mga biik.
  3. Vitamin E: Ito ay isang antioxidant na tutulong sa pagpapalakas ng resistensya ng mga baboy at pag-iwas sa sakit. Makakatulong rin ang vitamin E sa pagsasaayos ng muscle function at pagpapabuti ng reproductive health. 
  4. Vitamin K: Tumutulong ito sa blood clotting sa mga biik.
  5. Vitamin B complex: Ang vitamins na ito ay tumutulong sa mga enzymes sa pag-metabolize ng carbohydrates, proteins, fat, and energy. Kinakailangan ang lahat ng ito sa pagpapalakas ng katawan. Mga halimbawa ng mga B vitamins ay riboflavin (vitamin B2), niacin (vitamin B3), pantothenic acid (vitamin B5), pyridoxine (vitamin B6), biotin (vitamin B7), at vitamin B12. 
  6. Amino acids: Ang mga bitaminang ito na galing sa protein ay tumutulong sa pagpapalaki ng muscles at pagpapabuti ng kalusugan ng mga biik. 
  7. Calcium at phosphorus: Tumutulong ang mga nutrients na ito sa pagpapatibay ng buto at pagpapadali ng mga metabolic process sa katawan ng mga baboy
  8. Iron at copper: Mahalaga ito para sa mga enzymes na nasa katawan ng biik, at paggawa ng hemoglobin (HgB) na kokontra sa anemia. 
  9. Iodine: Kailangan ito ng thyroid glands ng mga biik para gumawa ng thyroxine, isang hormone na may malaking papel pagdating sa metabolism at cell function.
  10. Choline: Mahalaga ang choline pagdating sa kalusugan ng mga tissue.

Tandaan: magtanong sa beterinaryo tungkol sa nararapat na nutrient requirements para sa mga biik. Kapag hindi sapat ang mga nutrients na ito sa kanilang katawan, maaaring magkaroon ng pagkukulang o deficiencies ang mga biik na makakaapekto sa kanilang kalusugan. 

Para sa Kalusugan ng Mga Biik, Bigyan Sila ng Supplement na Ito

Mahalaga na makuha ng mga biik ang iba’t ibang vitamins at minerals mula sa kanilang pakain, pero huwag ring kalimutan ang supplements. Hindi man ito papalit sa isang healthy at balanced diet, ang mga supplements naman ay tumutulong sa pagbibigay ng mga nutrients para sa mga biik. 

Pumili ng isang supplement na may iba’t ibang nutrients, tulad ng Vetracin Premium. Mayroon itong Chlortetracycline HCl, Vitamin B12, at Vitamin A na tutulong sa pagpapalaki ng mga biik habang sila ay nasa “critical stage” (Days 7 to 21) at sa pagpapalakas ng resistensya ng mga biik laban sa mga sakit. 

Sa pagbibigay sa mga mga biik ng supplement na ito, ihalo ang 2 teaspoons o kutsarita ng Vetracin Premium sa kada gallon ng tubig na pang-inom. Ibigay ito sa mga biik sa loob ng lima hanggang pitong araw. Pwede mo ring kausapin ang isang beterinaryo na gagabay sa iyo at magbibigay ng payo tungkol sa ideal dose para sa lumalaking mga biik.

Pwede mo rin silang tanungin tungkol sa iba pang mga nutrients na kailangan ng mga biik, at kung paano mo ito maibibigay sa kanila.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa halaga ng vitamins at minerals para sa mga biik at kung paano sila papalikihin ng malusog, bumisita sa UNAHCO website today! Basahin ang mga articles at guides na may mga tips pagdating sa pagpapalaki ng mga baboy. 

References:

https://www.business.qld.gov.au/industries/farms-fishing-forestry/agriculture/animal/industries/pigs/feed/nutrition

https://www.nationalhogfarmer.com/animal-health/fat-soluble-vitamins-important-sows-newborn-pigs

https://www.asi.k-state.edu/extension/swine/swinenutritionguide/pdf/KSU%20Vitamin%20Sources%20for%20Swine%20Diets%20fact%20sheet.pdf

https://www.pigprogress.net/pigs/the-best-start-for-piglets/

https://www.merckvetmanual.com/management-and-nutrition/nutrition-pigs/nutritional-requirements-of-pigs

Be a UNAHCO Partner