Isa sa pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin upang matiyak ang malusog na paglaki ng iyong mga gamefowls ay ang pagbibigay sa kanila ng masustansyang diyeta. Bagama’t maraming mga commercial feeds na tutugon sa mga pangangailangan ng iyong mga alaga, mayroon ding ilang bagay na maaari mong gawin upang mabigyan sila ng karagdagang nutritional boost.
Ikaw ba ay may-ari ng gamefowl at naghahanap ng paraan upang matiyak na ang iyong mga alaga ay malakas at malusog? Kung gayon, tingnan ang mga gamefowl feeding tips na ito para sa oras ng pagkain ng iyong mga alaga. Mula sa kung ano ang ipapakain sa kanila at kung gaano kadalas, hanggang sa paggawa ng balanseng meal plans, matutulungan ka namin.
Basahin ang sumusunod at dagdagan ang kaalaman tungkol sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan ng iyong mga game fowls!
Hindi Maganda Ang Sobra!
Huwag pakainin ng sobra ang mga alagang manok kapag sila ay hindi pa ilalaban. Mas maganda na balanse ang kanilang nutrisyon habang sila ay nagpapahinga lamang.
Ang pagkain ay magandang source of energy ng ating mga alaga. Ngunit kung hindi nila ginagamit ang enerhiya o hindi sila kumikilos, ito ay magiging sanhi lamang ng kanilang pagtaba. Habang tumatagal, ang sobrang katabaan naman ang magiging dahilan ng pag-bagal nilang kumilos at pagiging mas sakitin.
Tamang Oras Ng Pagkain
Tandaan na kailangan maging consistent ang feeding time ng inyong mga alagang game fowl para maging mas stable ang kanilang metabolism. Maglaan ng palugit na siyam na oras sa pagitan ng bawat oras ng pag-kain ng mga alaga. Sa umaga, pwede mo silang pakainin ng 7:30 am.
Samantala, para sa hapunan, pwede mo na silang pakainin ng 4:30 pm. Huwag silang pakainin ng sobrang gabi na para hindi sila kabagin o mag-tae.
Huwag Kalimutan Ang Tubig
Bukod sa tamang dami ng pagkain, siguraduhin din na sapat ang malinis na tubig ng iyong mga gamefowls. Tinutulungan ng tubig ang feeds na dumaan sa digestive system sa pamamagitan ng pagpapalambot nito. Ang tubig ay tumutulong magdala ng mga sustansya mula sa digestive tract patungo sa mga cells ng katawan.
Bukod sa pagtulong sa digestion, pinoprotektahan rin ng tubig ang mga gamefowl laban sa sobrang init. Walang maraming sweat glands ang mga manok kaya hindi sila pinagpapawisan. Sa pamamagitan ng tubig, nakakapag-palamig sila kaya nagiging maaliwalas ang kanilang pakiramdam.
Fiber Para Sa Tamang Timbang
Mayroong mga pagsusuri na nagsasabing ang fiber ay may positibong epekto sa digestion ng mga gamefowls. Mas nadidigest ang starch at carbohydrates ng mga gamefowls kapag meron silang sapat na fiber sa katawan. Dahil sa mas mabilis na rate ng digestion, mas kaunti ang akumulasyon ng mga nakakalason na toxins sa bituka. Dahil dito, mas mabilis rin natutunawan ang mga alagang manok.
Bukod sa feeds, siguruhing may pagkaing siksik sa fiber ang mga alagang manok. Mayaman sa fiber ang soy, alfalfa oats, peas, at barley.
Halaga ng Protina Para Sa Muscle Growth
Nais palusugin ang mga alagang gamefowl? Siguraduhing tama lang ang protein-level ng mga alaga. Kapag mababa ang level ng protina sa katawan, nagiging dahilan ito ng pagbaba ng timbang ng mga alagang game fowl. Sa kabilang banda, ang labis na protina naman ay nakakataas ng timbang at nagdudulot ng gout.
Kung ikaw ang gumagawa ng meal plan sa iyong farm, iminumungkahi ng mga eksperto ang hanggang 22% na protina upang mapanatili ang pag-develop at pag-recover ng mga tisyu ng muscles. Ang pagpapakain ng tamang dami ng protina para sa mga alaga ay makakatulong sa pag-ganda ng kanilang katawan. Nakakatulong din ito sa pag-develop ng mga muscles. Mas malaki at malusog na muscles, mas maliksi ang pagkilos ng mga alaga.
Mas maganda kung may protinang galing sa mga hayop at galing sa halaman ang iyong meal plan. Ang atay ng baka ay mahusay sa preconditioning at conditioning ng alaga habang ang karne naman ng baka ay mahusay para sa mga huling araw bago ang laban. Maaari ring pakainin ang mga alaga ng lutong egg white, sitaw, peas, sunflower seeds at mealworms.
Pag-iwas sa mga Toxic Na Pagkain
Huwag kalimutang bantayan ang iyong gamefowl bago, habang, at pagkatapos kumain. Ang mga tandang ay maaaring maghanap ng mga gulay at insekto sa paligid ng iyong bakuran, ngunit maaaring makasama ang mga ito sa kanilang kalusugan. Ang mga gamefowls ay hindi dapat pinapakain ng avocado, hilaw o kulang sa luto na beans, at hilaw na berdeng balat ng patatas, dahil ang mga ito ay nakakalason sa kanila.
Huwag kalimutan ang Supplements
Kausapin ang iyong beterinaryo upang makita kung ano ang mga kailangan ng iyong mga alagang gamefowl at kung anong uri ng mga supplements ang maaari nilang inumin. Ang pag-inom ng supplements ay nakakatulong sa paglakas ng immune system ng mga alagang manok. Bukod dito, tumutulong din ang mga supplements upang magkaroon ng sapat na lakas at enerhiya ang mga alaga laban sa iba’t ibang sakit.
High-Quality Feeds
Subukan ang Thunderbird GMP Maintenance. Ang GMP Maintenance ay ang abot-kayang gamefowl feeds na ginawa upang makapagbigay ng mahahalagang sustansya para sa mga alagang gamefowls edad 4 na buwan o higit pa. Ang Thunderbird GMP Maintenance ay may Acti-Plus with Enzyme complex na tumutulong para sa mas mahusay at mas mabilis na pag-absorb ng mga sustansya sa feeds.
Kung may tanong ka pa tungkol sa ibang benefits ng Thunderbird GMP Maintenance at kung paano ito ibibigay sa iyong mga alagang gamefowl, kumunsulta sa iyong trusted na beterinaryo. Pwede ring bumisita sa UNAHCO website para sa iba pang produkto, gamefowl feeding guide at sa dagdag na kaalaman tungkol sa tamang paraan ng pagpapalakas at pagpapalaki ng iyong mga gamefowl.
References:
https://www.totalgamefowl.com/gamefowl-maintenance-phase-and-feeding-guide/
https://poultry.extension.org/articles/feeds-and-feeding-of-poultry/basic-poultry-nutrition/
https://www.thepoultrysite.com/articles/vitamins-and-minerals-important-to-poultry
https://www.dineachook.com.au/blog/how-much-protein-do-chickens-need/