Sa pag-aalaga ng mga baboy, nangunguna sa listahan ng pangangailangan ang pagkain. Ang tamang nutrisyon kasi ang nagbibigay-lakas sa inyong mga alaga upang lumaki sila nang maayos. Kapag malusog ang iyong mga alaga tiyak na mas dadami sila at mas kikita ang iyong piggery business.
Hindi sapat na sila ay kumain lamang araw-araw. Mahalaga rin na tama ang iyong pagpapakain.
Huwag mag-alala! Baguhan ka man o matagal nang pig farmer, ang mga tips na ito ay tiyak na makakatulong sa iyo. Patuloy na magbasa at alamin kung paano mapapabuti ang pagpapakain sa inyong mga alagang baboy.
Huwag Biglain ang Paglipat sa Feeds
Ang weaning period, o panahon ng paglipat mula sa pag-inom ng gatas mula sa inahin patungo sa pagkain ng feeds, ay nangyayari sa mga biik sa edad na 4-8 linggo. Kung ang inahing baboy ay labis na stressed dahil sa dami ng kanyang mga anak, maaaring alisin agad ang mga pinakamalaking biik. Mahalagang tandaan na hindi dapat ito gawin bago ang unang buwan ng mga biik.
Mahalaga na sundin ang mga gabay at rekomendasyon ng mga dalubhasa o beterinaryo upang tiyakin na tamang panahon ang weaning period para sa mga biik.
Kung kailangan mo namang palitan ang uri ng pagkain ng mga alagang baboy, gawin ito ng paunti-unti sa loob ng 7-10 na araw. Ang biglang pagbabago sa kanilang diyeta ay maaaring magdulot ng problema sa tiyan ng mga baboy.
Pumili ng Feeding Technique Batay sa Layunin
Sa pagpili ng feeding technique, mahalaga na isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga baboy, layunin ng pag-aalaga, kakayahan ng mga tagapag-alaga, at budget. May dalawang paraan ng pagpapakain ng mga baboy, ang ad libitum at restrictive feeding.
-
Ad Libitum
Sa ad libitum feeding, pinapayagan ang mga baboy na kumain ng anumang dami ng pagkain na kailangan nila. Ito ay angkop sa mga baboy na nangangailangan ng malaking paglaki o may reproductive needs. Ang adlibitum feeding ay mabuting para sa mga baboy na kayang mag-regulate ng kanilang pagkain at hindi madaling mag-overfeed. -
Restrictive
Sa kabilang banda, sa restrictive feeding, may limitasyon o takdang dami ng pagkain na ibinibigay sa mga baboy. Ginagamit ito upang kontrolin ang timbang at kondisyon ng mga baboy, lalo na sa mga sitwasyon kung saan ang sobrang pagkain ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan.
Alamin ang Tamang Dami ng Feeds
Para sa mga restrictive feeder, malalaman ang tamang dami ng pagkain na ibibigay base sa edad, timbang, at bilis ng paglaki ng iyong mga baboy. Ang sobrang pagpapakain ay maaaring magdulot ng labis na timbang at mga problema sa kalusugan, samantalang ang kakulangan sa pagkain ay maaaring magresulta sa pagbagal ng kanilang paglaki. Basahin ang sumusunod na feeding guide:
- Magbigay ng 2.5kg feeds para sa Sow na nagpapadede ng baboy.
Para sa mga lalakeng baboy:
- Magbigay ng 2.0 kg ng pagkain kada araw para sa mga baboy na lalake.
- Kung regular na ginagamit ang baboy sa pagpaparami, dagdagan pa ng 2.5 kg ang pagkain nila kada araw.
Para sa mga biik:
- Mula sa ika-7 araw hanggang sa pag-alis sa inahin (21 araw), ibigay ang 0.5 – 1.0 kg ng pellets kada araw para sa bawat biik.
Maging Mapili sa Feeds ng Mga Alaga
Mas okay kung galing sa mga eksperto ang ipapakain sa mga alagang baboy. Kaya nga mas advisable na pakainin na lamang sila ng mga feeds. Bukod sa naglalaman ang feeds ng mga nutrisyon na kailangan nila, napakadali pa nitong sukatin. Ang preparation time ay nababawasan dahil wala ka ng hahaluin pa o lulutuin pa.
Upang masigurado ang tamang pagpapakain ng mga baboy, hindi sapat na basta-basta lang silang bigyan ng anumang pagkain. Doon ka na sa kilala! Para sa mga baboy na may edad na 61-90 araw, subukan ang Pigrolac Premium Hog Starter. Ito ay isang espesyal at mataas na kalidad na pagkain na dinevelop para sa kanilang pangangailangan.
Ang Pigrolac Premium Hog Starter ay may mga mahahalagang sangkap tulad ng:
- Advanced Cooling System (ACS) – Isang isang nutrition system na nagpapababa ng stress sa init sa mga baboy. Ang ACS ay tumutulong sa mga cells na manatiling hydrated kahit sa mga mainit na kondisyon. Nagpapanatili rin itong tamang level ng protina sa mga ce sa mainit na klima. Nagpapabuti rin ang ACS sa Average Daily Gain (ADG) at Feed Conversion Ratio (FCR).
- Pigrobuilders – Isang natural na mineral pack na nagpapaganda sa kalidad ng karne ng baboy, nagpapabilis ng paglaki, at nagpapababa ng mortality rate.
- Clean Air Factor (C-Factor) – Isang katas ng halaman na nagpapalakas sa kalusugan ng tiyan. Malaki ang naitutulong nito sa pagbawas ng amoy sa farm. Nakakatulong rin ito bawasan ang mga problema sa paghinga ng mga baboy.
Kung mayroon kang iba pang mga katanungan tungkol sa pagpapakain ng iyong mga alaga, maganda na bisitahin ang UNAHCO website para sa karagdagang impormasyon. Makakahanap ka roon ng maraming tips at mga tricks na tiyak na makakatulong sa iyong piggery business.
References:
https://opensanctuary.org/things-that-are-toxic-to-pigs/