Pagdating sa cockfighting, may mga taong nagsasabi na ang tagumpay ay nakasalalay sa tibay at lakas ng iyong alaga. Totoo nga iyon, pero kung gusto mo pang tumaas ang posibilidad ng pagka-panalo, tingnang mabuti ang bloodline ng iyong gamefowl. Malaking bagay na mayroon kang mga alaga ka na galing sa kilalang bloodline na pwede mong isabak sa laban.
Alam mo ba na may mga gamefowl bloodlines na kilala na para sa kanilang mga kakayanan pagdating sa labanan? Ang mga gamefowl bloodlines na ito ay may kanya-kanyang kakayanan na hindi makikita sa iba.
Kung interesado kang mag-alaga ng mga panabong na manok, suriing mabuti ang mga kilalang gamefowl bloodlines in the Philippines. Ang mga gamefowl bloodlines na ito ay matagal nang tinatangkilik ng mga breeder sa bansa at may track record na pagdating sa panalo.
- Sweater
Ang mga Sweater ay may dilaw na binti, red-breasted na dibdib, at mahabang balahibo, lalo na sa buntot. Ang mga Sweater ay isa sa mga pinaka-kinatatakutang gamefowl bloodlines.
Malakas ang mga Sweater, at kapag isinabak sila sa sabong ay walang humpay ang kanilang mga atake sa kalaban. Kumpara sa ibang bloodline, ang mga Sweater ay kilalang “submission expert.” Kaya nilang umatake sa ere, pero ang kanilang “expertise” ay ang pag-atake sa kalaban hanggang sila ay sumuko via submission on the ground. - Hatch
Ang bloodline na ito na nanggaling pa sa Estados Unidos ang isa sa mga pinaka-kilalang gamefowl bloodlines. Madaming kilalang breeds ng Hatch, at pinipili ang mga ito dahil sila ay mabilis, malakas umatake, mataas lumipad, at matalas ang utak pagdating sa laban.
Isa sa mga kilalang breed ng Hatch ay ang Yellow-Legged Hatch. Base sa pangalan, ang gamefowl na ito ay may dilaw na binti, black-breasted chest, at light red feathers. Kilala ang mga Yellow-Legged Hatch bilang matinding cutters na may malalakas na binti at pangmatagalang tibay para sa anumang laban.
Isa pang kilalang breed ay ang mga Blueface Hatch. Sila ay agresibo, magaling sa “cutting,” at handang maghatid ng “deadly blow” sa kanilang mga kalaban. - Roundhead
Ang Roundhead ay mayroong binti na kulay dilaw o puti, at may pula o pale yellow na hackle. Kapag nakatayo, ang mga Roundhead ay medium to high ang taas at kadalasang may timbang na 2 to 2.4 kg.
Kilala ang Roundhead bilang mga agresibong flyers na may kahanga-hangang cutting ability. Higit sa lahat, sila ay agile at madaling nakakaiwas sa kanilang kalaban. Kaya minsan, “ring general” ang tawag sa mga gamefowl na ito.
Madaming debate ukol sa pinagmulan ng mga Roundhead gamefowl. May mga nagsasabi na ang mga Roundhead ay bunga ng mga Oriental-American crosses. Sa lahat ng mga uri ng Roundheads, ang pinakasikat ay ang Lacy Roundhead. Pero pwede mo rin isabak sa laban ang ibang Roundheads tulad ng Bruners, Sheltons, at Boston.
Tandaan lamang na kailangan ng kaunting pagbabantay pagdating sa conditioning ng mga Roundhead dahil mabilis silang mag-mature. Suriin nang mabuti ang kanilang build para malaman kaagad if handa na silang lumaban o hindi. - Claret
Isa ito sa mga best gamefowl bloodlines sa Pilipinas dahil kaya nilang makipagsabayan sa kanilang mga kalaban. Makikilala ang mga Claret sa kanilang itsura: diretso o straight ang combs, black-breasted ang katawan, may balahibo na kasingpula ng alak, maputi ang binti, at may pakpak at buntot na may puting streaks.
Pwedeng-pwedeng ilabas ang mga Claret dahil sila ay aggresibo at may bilis, accuracy, at talino pagdating sa sabong. They attack or hit smart, kaya with one hard-hitting stroke ay pwedeng magpatumba ang kalaban.
Isang paalala: madami pang gamefowl bloodlines dito sa Pilipinas na may kanya-kanyang kakayanan sa bawat laban. Kung baguhan ka pa lang sa mundo ng cockfighting at kailangan mo ng kaunting tulong on how to identify gamefowl bloodlines dito sa Pilipinas, magtanong lamang sa eksperto. Pwede silang tumulong sa iyo sa pagkilatis ng mga gamefowl bloodlines na akmaa para sa iyo.
Bukod sa pananaliksik tungkol sa gamefowl bloodline na kayang magdala ng panalo, siguraduhing may kaalaman ka rin tungkol sa mga pangangailangan nila.
Dahil iba-iba ang bloodline ng mga gamefowl, iba-iba rin ang kanilang mga pangangailangan. Dahil dito, importanteng alamin ang nararapat na pagkain na magbibigay sa kanila ng nutrisyon at mga gamot at bakuna na magpo-protekta sa kanila laban sa sakit.
Huwag mag-alinlangang bumisita sa UNAHCO website para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga kilalang gamefowl bloodlines sa bansa at sa tamang pag-aalaga sa mga ito.
References:
https://unahco.com/news-events/the-5-best-gamefowl-breeds-for-your-new-breeding-business/
http://www.reach-unlimited.com/p/259719619/whitehackle-aggressive-power
http://www.reach-unlimited.com/p/960084196/gamefowl-fighting-styles
http://manok-sabong.blogspot.com/p/gamefowl-bloodlines.html?v=sabongtips