Ang pag-aalaga ng baboy ay pwede ding pagkakitaan! At sa anumang negosyo, kapag tama at maganda ang simula, sigurado ang paglaki ng iyong business pati na ang kita mo mula rito. Para sa matagumpay na pagbubukas o pagsisimula ng piggery business, mahalaga ang pagkakaroon ng tamang plano, kaalaman sa industriya, at matinding determinasyon.
Kung ikaw ay interesado sa pagnenegosyo ng babuyan, narito ang ilang mga hakbang na maaaring gamiting guide.
Mag-research at Kumpletuhin ang mga Kailangang Dokyumento
Unang hakbang ay ang paghahanda sa pamamagitan ng pagsasaliksik. Mahalagang alamin ang mga lokal na patakaran at regulasyon ukol sa piggery business.
Dagdag sa pag-research tungkol sa mga lokal na patakaran, mahalagang alamin at kumpletuhin ang mga kinakailangang dokumento. Ito ang ilan sa mga requirements na kadalasang hinahanap ng mga lokal na pamahalaan:
- Business name registration – Magparehistro sa opisina ng Department of Trade and Industry (DTI) na malapit sa inyong pinaplanong lokasyon. Huwag kalimutan: ang pangalan ng inyong negosyo ay valid sa loob ng 5 taon.
- Barangay clearance – Maaaring makuha ito sa pinakamalapit na tanggapan kung saan matatagpuan ang inyong babuyan.
- Mayor’s Permit, License, and Sanitary permit – Makakakuha sa pamamagitan ng pagbisita sa inyong lokal na pamahalaan. Ang lisensya at permit ay dapat irenew taun-taon.
- Tax Identification Number (TIN) –Maaaring makuha ito sa inyong lokal na Bureau of Internal Revenue (BIR).
- Environmental Compliance Certificate – Kumuha ng certificate mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Piliin at Ihanda ang Lokasyon ng Negosyo
Pagkatapos ng paghahanda ng mga dokumento, susunod na hakbang ay ang mga gawain sa lupang pagtatayuan. Dapat piliin ang tamang lokasyon para sa inyong babuyan. Tandaan ang mga sumusunod:
- Dapat malayo sa mga residential na lugar.
- Kailangan may sapat na espasyo para sa pasilidad ng babuyan.
- Mahalaga ang sapat na suplay ng tubig at iba pang imprastraktura (pagtatapunan ng dumi at mga koneksyon sa suplay ng kuryente).
- Piliin ang mataas na lugar na hindi kaya abutin ng baha mula sa ulan.
- Siguraduhin na may proteksyon mula sa matinding sikat ng araw ang mga alaga. Mas mainam kung may lilim na manggagaling sa mga puno, at sapat na sariwang hangin.
Tiyaking Matibay at Maayos ang Magiging Bahay ng mga Baboy
Ang mga alagang baboy ang pinaka-produkto o asset ng inyong piggery business. Kaya naman dapat first priority ang kanilang kalusugan. Pagdating sa kanilang kulungan o pamamalagian, tandaan na maglaan ng sapat na espasyo. Ito ay para komportable at maayos ang kanilang paglaki. Hatiin ang babuyan sa iba’t ibang kulungan para sa iba’t ibang edad o life stages at laki ng mga baboy.
Isa pang mahalagang aspeto sa pagtatayo ng babuyan ay ang matibay na pagkakatatag ng gusali. Mahalagang sukatin ang sahig. Dapat magkaroon ito ng lapad na 3 metro at taas na 60 cm mula sa lupa. Upang magkaroon ng sapat na daloy ng hangin at maiwasan ang pagkumpol ng dumi, maglaan ng espasyo na 2 cm sa pagitan ng mga tabla ng sahig.
Piliin ng Mabuti ang Iyong Mga Alaga
Alamin ang iba’t-ibang breed ng mga baboy, at kung ano ang magiging maganda para sa iyong piggery business. Ang breed na Landrace ay mabenta dahil meron itong mahabang katawan at siksik na kalamnan. Samantala, ang baboy na Duroc ay kilala sa magandang balat at masarap na lasa ng karne. Kung hanap mo naman ang isang baboy na may bilog na hugis at konting taba sa karne, ang baboy Hampshire ang pinaka-bagay para sa iyo.
Dagdag sa breed, importanteng mabusisi ang kalusugan ng mga baboy na aalagaan. Ilan sa mga dapat bantayan ay ang mga sumusunod:
- Isang sign ng malusog na baboy ang pagkakaroon ng bukas at masigla na mga mata.
- Karaniwan, ang mga malusog na baboy ay mayroong kulay-rosas na mga talukap ng mata.
- Iwasan ang mga baboy na may matamlay, namamaga, o nangangati na mga mata.
Huwag Kalimutan Kumuha ng Biosecurity Clearance
Ang pagkakasakit ng mga alagang baboy ay dapat nating iwasan. Bukod sa magastos magpagamot ng mga alaga, maaaring rin mauwi ito sa kanilang kamatayan. Kaya naman, mas maganda kung bibigyan ng pansin ang kanilang kalusugan at biosecurity.
Ang biosecurity para sa mga hayop ay may kasamang checklist na nagsasabi kung ang isang farm ay mataas o mababa ang health risk o panganib. Kabilang sa mga bagay na sinusuri ng Bureau of Animal Industry (nagbibigay ng biosecurity clearance sa Pilipinas) ang layo ng pinakamalapit na babuyan, ang tamang kasuotan ng tagapangalaga ng baboy, pest control, at ang wastong oras ng paglilinis ng pig pen. Mas marami ang check, mas ligtas ang babuyan.
Piliin ang Quality Feeds para sa Quality na Pagpapalaki
Sa pag-aalaga ng ating mga alagang baboy, mahalaga na bigyan sila ng tamang nutrisyon. Ang tamang pagkain ay isang mahalagang susi upang mapanatiling malusog ang kanilang katawan. Piliin ang mga feeds na may mataas na kalidad upang matiyak ang malusog na paglaki ng mga baboy.
Tiyakin rin natin na ang mga feeds na ibibigay ay may tamang halaga ng protina, bitamina, mineral, at iba pang mahahalagang nutrients. Huwag kalimutan ang tamang pagkakasunod-sunod ng pagpapakain at ang pag-aadjust ng dami ng feeds batay sa timbang at edad ng mga baboy.
Naghahanap ng pagkain para sa iyong mga baboy? Subukan ang Pigrolac Premium Hog Starter. Ito ay isang high-density feed na ginawa para sa mga baboy na may edad na 61-90 days. Laman nito ang mga sumusunod:
- Advanced Cooling System (ACS) – isang nutrition system na nagpapababa ng init sa katawan ng mga baboy para bawas stress at mas magana sila kumain. Ito ay may malaking tulong sa Average Daily Gain (ADG) at Feed Conversion Ratio (FCR).
- Pigrobuilders -Para sa mas magandang kalidad ng karne ng baboy, mabilis na paglaki at pagpapababa ng mortality rate
- Clean Air Factor (C-Factor) -Tulong sa pagbawas ng amoy sa farm para iwas sa respiratory diseases ang mga alaga.
Starting a piggery business? Para sa mas marami pang kaalaman tungkol sa pagpapalaki ng inyong babuyan pumunta na sa website ng UNAHCO. Tiyak na marami ang matututunan dahil bukod sa mga piggery business ideas, marami rin ang mapupulot na tips at mababasang mga produkto para sa kalususang ng mga alagang baboy.
References:
https://ifranchise.ph/how-to-start-a-piggery-business/
https://www.tripleiconsulting.com/environmental-compliance-certificate/
https://www.businessnews.com.ph/start-piggery-business-philippines-20161023/
https://www.thepigsite.com/articles/how-to-farm-pigs-housing