Pigrolac Feeding Guide: Alamin ang Tamang Pakain | UNAHCO

Pigrolac Feeding Guide: Alamin ang Tamang Pakain

News & Events

Pigrolac Feeding Guide: Alamin ang Tamang Pakain

News & Events

Pigrolac Feeding Guide: Alamin ang Tamang Pakain

SHARE THIS

Ang nutrisyon ng iyong mga baboy ay makakaapekto ng husto sa kanilang paglaki, resistensya kontra sa sakit, at kalidad ng kanilang karne. Kaya habang biik pa ang iyong mga alaga, kailangan binibigyan sila ng tamang pakain at gamot na mayroong mga bitamina at nutrients na naaangkop para sa kanilang edad.

Pigrolac Vital Hog: Bakit Ito ang Iyong Best Choice

Para sa masustansyang pakain na matipid rin sa bulsa, piliin ang Pigrolac, lalo na ang new and improved Pigrolac Vital Hog feeds. Ito ay dinisenyo gamit ang Balanced Nutritional Concept para ang mga baboy ay extra malaman at may dagdag na bigat. Plus, suportado ito ng AKEY na siyang nangunguna sa swine nutrition research sa U.S.

Ang Pigrolac Vital Hog Feeds ay may dagdag na multi-enzymes na pwedeng tumulong sa magandang panunaw at mas effective na nutrient absorption ng mga baboy. Makakatulong rin ang feeds na ito sa pagpapataas ng antas ng energy at amino acids ng mga baboy para sa mas magandang kalidad ng karne.

Napatunayan rin sa pinakahuling pag-aaral na ang mga baboy na pinakain ng new and improved Pigrolac Vital ay mas mabigat kumpara sa ibang baboy sa bansa. Ang Average Daily Gain o ADG ng mga baboy na pinakain ng Pigrolac Vital ay mas mataas sa national average, ayon sa pinakahuling datos ng swine performance monitoring agencies:


Philippine Average Daily Gain (ADG)*

552 g/day

Pigrolac Vital Hog ADG**

585 g/day

*Base sa Philippine Swine Production Performance Monitoring Project 
**Base sa Actual Farm Trial na isinagawa noong October 2016 sa isang research farm sa Los Baños, Laguna

Interesado ka na bang gamitin ang Pigrolac Vital Hog sa iyong negosyo? Basahin ng mabuti ang Pigrolac Vital Hog Feeds feeding guide na ito para malaman ang nararapat na pakain ayon sa edad ng mga baboy.

Para sa Mga Boosters

Dahil halos kakasilang pa lang nila, hindi pa kaya ng kanilang katawan na tunawin ang pakain na binibigay sa mga mas matatandang baboy. Para sa mga boosters, tingnang mabuti ang ideal amounts ng Pigrolac Vital Hog Feeds na dapat ibigay sa kanila:

EdadPakainGaano Kadami at Gaano Kadalas?
5 to 35 days oldPigrolac Vital Hog Booster Feeds0.06 to 0.10 kg
31 to 40 days old0.10 to 0.30 kg

Para sa Mga Pre-Starters at Starters

Kapag mayroon ka nang Pre-Starters at Starters, kakayanin na ng mga tiyan nila ang pakain na mas matigas at solid. Pero, ang mga katawan at resistensya nila ay hindi pa ganon katibay at kailangan pa ng konting sustansya para sa paglakas. Tingnang mabuti ang Pigrolac feeding guide para sa pre-starter at starter pigs:

EdadPakainGaano Kadami at Gaano Kadalas?
Pre-Starters: 41 to 60 days oldPigrolac Vital Hog Pre-Starter Feeds0.50 to 0.80 kg
Starters: 61 to 90 days oldPigrolac Vital Hog Starter Feeds1.10 to 1.30 kg

Para sa Mga Growers at Finishers

Ang mga Growers ay nasa gitna ng weaning at finishing stage. At dahil malapit na silang ibenta sa merkado, nararapat na ipagpatuloy mo na kung ano ang sinimulan mo at bigyan sila ng nararapat na nutrisyon. Ito ang Pigrolac feeding guide para sa mga Growers at Finishers:

EdadPakainGaano Kadami at Gaano Kadalas?
Growers: 91 to 120 days oldPigrolac Vital Hog Grower Feeds1.90 to 2.20 kg
Finishers: 121 to 150 days oldPigrolac Vital Hog Finisher Feeds2.30 to 2.50 kg

Para sa Mga Gestating at Lactating Sows

Importante na nasa mabuting kondisyon ang mga gestating at lactating sows para sila ay manganak ng walang komplikasyon at makapagbigay ng nararapat na nutrisyon sa mga biik.

Ang iba’t ibang bitamina at nutrients ay mahalaga para sa mga gestating at lactating sows at maibibigay mo ito sa kanila sa tulong ng Pigrolac Vital Hog Gestation Feeds at Pigrolac Vital Hog Lactation Feeds.

Ang mga pakain na ito ay may sapat na nutrients para sa pagpapalakas ng katawan ng mga gestating at lactating sows. Tingnang mabuti ang Pigrolac Vital Hog feeding guide na ito para malaman kung paano mapapabuti ang kondisyon ng mga gestating at lactating sows:

Days ng gestation o lactationPakainGaano Kadami at Gaano Kadalas?
Gestation: day 1 to 7 Pigrolac Vital Hog Gestation Feeds2.10 kg
Gestation: day 8 to 902.10 to 3.0 kg
Gestation: day 91 to 1003.0 kg
Gestation: day 101 to 110Pigrolac Vital Hog Lactation Feeds3.0 kg
Gestation: day 111 to 114Dahan-dahan bawasan ang pagkain hanggang sa araw ng panganganak
Lactation: day 1 to 3Simulan with 1 kg at dahan-dahang dagdagan ang pakain na binibigay
Lactation: day 4 hanggang weaningAd libitum o kung kinakailangan
Lactation: dry periodFlushing

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa mga nararapat na gawin sa pagpapakain ng baboy, kumonsulta lamang sa isang beterinaryo. Maari ka nilang bigyan ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang mga bitamina at nutrients na kailangan ng iyong mga baboy.

Kailangan mo pa ba ng iba pang impormasyon tungkol sa mga benefits ng mga Pigrolac feeds? Bumisita na kaagad sa website na ito para sa mga latest updates!

References:
https://unahco.com/news-events/supplementation-guide-for-growers/

Be a UNAHCO Partner