Sakit na Nakukuha Mula sa Wingbanding, Pwedeng Maiwasan? | UNAHCO

Sakit na Nakukuha Mula sa Wingbanding, Pwedeng Maiwasan?

News & Events

Sakit na Nakukuha Mula sa Wingbanding, Pwedeng Maiwasan?

News & Events

Sakit na Nakukuha Mula sa Wingbanding, Pwedeng Maiwasan?

SHARE THIS

Ang pagkakaroon ng maraming sisiw at inahing manok ay senyales na lumalago ang negosyo. Pero dahil sa dami nga ng inaalagan, pwede ring magkagulo sa iyong farm at malito ka sa dami ng mga ito. Dito pwedeng makatulong ang isang proseso na tinatawag na wingbanding. 

Malaki ang maitutulong ng wingbanding para mabilis mong makilala ang iyong mga sisiw o manok. Kadalasang ginagawa din ito para malaman kung kailan ipinanganak ang ibang mga sisiw o kung saan o kanino sila nanggaling. Kapag mayroon kang gamefowl na isasali sa laban, requirement rin minsan ang wingbanding.

Maraming uri ng wingbands ang pwedeng gamitin para sa mga manok o sisiw. May kanya-kanyang diskarte ang mga nag-aalaga ng manok at gamefowl sa uri ng wingbands na gagamitin at kung kailan ito ikakabit. Ano mang strategy ang piliin mo, ang importante, kailangan mong mag-ingat habang ginagawa ang wingbanding. 

May posibilidad kasi na magdulot ng sakit ang wingbanding, lalo kung hindi ito nagawa ng maayos. Maagapan naman ang mga ito pero mas mabuti talagang iwasan sa simula pa lamang. Alamin kung paano ginagawa ang wingbanding, anong sakit ang maaaring dumapo sa iyong mga alaga, at ano ang magagawa mo sakaling nakaranas ng sintomas ang mga manok.

Paano Dapat Isagawa ang Wingbanding?

Maraming nagsasabing mas magandang gawin ang wingbanding habang sisiw pa lang ang iyong mga manok. Ito’y dahil mas madali silang hawakan at hindi pa ganoon kakapal ang kanilang mga balahibo.  

Natatandaan o naalala kasi ng mga mas matandang manok ang sakit na kanilang nararamdaman kaysa mga sisiw. Siyempre, ayaw mo silang makaranas ng sakit hindi ba? Narito ang tamang paraan para sa wingbanding ng iyong mga sisiw:

  1. Hawakan ng mabuti ang sisiw gamit ang kaliwang kamay. Gamit ang hinlalaki (thumb) at hintuturo (index finger), hawakan ang kanang pakpak ng sisiw. Siguraduhin na ang ulo ng sisiw ay nasa pagitan ng iyong hintuturo (index finger) at hinlalato (third finger).
  2. Kunin ang wingband at hawakan gamit ang hinlalaki at hintuturo sa kanang kamay. Dahan-dahang itulak ang wingband sa wing web ng sisiw (ang muscle o kalamnan na dumadaloy sa elbow, shoulder, at wrist bones) at gumawa ng butas sa taas ng elbow joint. Siguraduhing papasok ito sa gitnang bahagi ng wing web at may konting distansya mula sa web cord o tendon na malapit rito.
  3. Gamit muli ang hinlalaki at hintuturo sa kaliwang kamay, isarado ang wingband. Siguruhing nakapasok ang rivet sa butas ng wingband.
  4. Kapag sarado na ang wingband, gumamit ng pliers para i-clinch ang rivet.
  5. Ikutin ang wingband at ilagay ang rivet sa ilalim ng pakpak. Makakatulong ito para hindi na umikot ang wingband kapag gumalaw ang sisiw.

Ano ang Koneksyon ng Wingbanding at Sakit sa mga Manok?

Importante sa prosesong ito ang wastong posisyon ng wingband. Kapag hindi ito nalagay sa tamang lugar, pwedeng mapinsala ang ibang muscle at blood vessels ng mga hayop. May posibilidad rin na maputol ang web cord (isang tendon) ng sisiw. 

Ang mga injuries tulad nito ay pwedeng maging dahilan ng stress at maaaring magdulot ng sakit sa sisiw o manok. Kapag na-stress ang mga hayop, may posibilidad na:

  • Mabawasan ang produksyon ng itlog ng inahing manok
  • Humina ang kanilang resistensya laban sa sakit dahil bumababa ang dami ng good bacteria sa kanilang katawan
  • Tumaas ang peligro o risk ng atake sa puso o kamatayan

Anong Mga Gamot ang Pwedeng Gamitin Laban sa Sakit?

Handa ka na ba para sa wingbanding? Kung oo, siguraduhing handa rin ang iyong mga manok at gamefowl para dito. May tatlong mahahalagang hakbang at gamot na tutulong sa pagpapalakas ng resistensya ng mga manok at gamefowl laban sa sakit na dulot ng wingbanding:

  1. Prevention: Bigyan sila ng gamot tulad ng Zeflexin bilang first step, para sa simula palang ay may depensa na ang katawan nila kontra sa sakit. Ang Zeflexin ay antibiotic na may Cephalexin na tumutulong lumaban sa mga sakit tulad ng fowl cholera at infectious coryza.

    Ang Zeflexin ay ginagamit tatlong (3) araw bago ang wingbanding. Ihalo ang 6g o 1 kutsarita ng gamot sa isang galon ng malinis na tubig.
  2. Treatment: Kung nagpapakita ng sintomas ng sakit ang manok o gamefowl pagkatapos ng wingbanding, painumin sila kaagad ng Quinomax. Ito’y may Cirprofloxacin na lalaban sa impeksyon sa baga, tiyan, at daluyan ng ihi na dulot ng iba’t ibang klase ng bacteria.

    Ihalo ang 1 kutsarita ng Quinomax sa isang galon ng malinis na tubig, at ibigay sa manok sa loob ng lima (5) hanggang pitong (7) araw.
  3. Support: Habang ang manok o gamefowl ay nagpapalakas ng resistensya o nagpapagaling laban sa sakit, sabayan mo ng Wow!! Manok ang anumang gamot na iyong binibigay.

    Ang Wow!! Manok ay may probiotics at prebiotics na makakatulong sa pagpapabuti ng digestion, pagpapatibay ng resistensya, at pagpapadali ng absorption ng bitamina at sustansya. Makakatulong rin ito bilang gamot sa indigestion, pagpapabuti ng kondisyon laban sa stress, at pagpapabilis ng paggaling sa mga sakit.

    Ihalo ang isang (1) scoop ng Wow!! Manok sa patuka at ibigay ito dalawang (2) araw bago at pagkatapos ng wingbanding. Tandaan lamang na hindi pwedeng gamitin ang Wow!! Manok kasabay ng Amoxicillin 20% (Amovet) Hindi rin ito pwedeng tunawin sa tubig.

Sa mga first time na magwi-wingbanding, kumonsulta sa beterinaryo para malaman ang nararapat at ligtas na paraan para dito. Mabibigyan ka rin ng payo kung paano iwasan ang mga sakit na makakaapekto sa mga alagang hayop. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa wingbanding, bumisita lang sa website na ito.

References:

https://www.nationalband.com/how-to-apply-a-wing-band/ 

http://poultry-uiuc.blogspot.com/2014/04/lesson-1-wingbanding-and-catching.html   

https://www.nationalband.com/why-use-leg-and-wing-bands-to-identify-your-poultry/ 

https://www.youtube.com/watch?v=4u_0VkPk5_A 

https://backyardboost.co/2021/07/21/how-stress-can-impact-egg-production/ 

https://www.naturalfarmhealth.co.uk/stress-in-chickens/ 

Be a UNAHCO Partner